Kaye Abad at Paul Jake Castillo nag-kuwento tungkol sa mga pagbabago sa buhay nila mula ng dumating si baby Joaquin

Kaye Abad at Paul Jake Castillo nag-kuwento tungkol sa mga pagbabago sa buhay nila mula ng dumating si baby Joaquin

- Nag-guest ang first time parents na sina Kaye Abad at Paul Jake Castillo sa "Rated K"

- Nag-kuwento ang mag-asawa kung paano binago ni baby Joaquin ang kanilang buhay

- Inilahad din ni Kaye kung paano siya bilang mommy kay Joaquin

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nitong Linggo, April 22, nagpa-interview ang mag-asawang sina Kaye Abad at Paul Jake Castillo sa show ni Korina Sanchez na "Rated K."

Sunod-sunod kasi ang blessings sa buhay ng mag-asawa at kamakailan lang ay nag four months na ang anak nilang si baby Pio Joaquin.

Kuwinento ni Kaye na gusto na talaga nilang magkaanak, kaya naman sobrang saya nila ng malaman na buntis siya.

"Siyempre masaya kami, kasi nag-tatry talaga kami right after na ikasal kaming dalawa," sabi ni Kaye.

Ang pinaka-mahirap lang daw sa pagbubuntis niya ay ng magkaroon siya ng "gestational diabetes" dahil sobrang daming bawal na kainin.

"No sugar, no fruits, no white rice, no white bread, even crackers hindi."

Inilarawan naman ng first time daddy kung ano ang kanyang naramdaman ng makita ang baby nila.

"Nung unang lumabas, parang wedding ko, muntik ako mapaiyak," paliwanag ni Paul Jake.

Para naman kay Kaye, si baby Joaquin ay isang "dream come true."

"Dream come true siya.. Super saya kasi dati sabi ko parang hindi pa ako ready.. Ito na siya, totoo na 'to, may anak na talaga ako."

Sobrang hands-on din palang mommy ni Kaye. Lahat ng pangangailangan ni Joaquin siya ang gumagawa.

"Mag-timpla ng gatas, palit diapers sa madaling araw, magpatulog, ako lahat. Siyempre, bilang nanay, kumbaga responsibilidad ko yun," dagdag pa ni Kaye.

Watch the video below:

Si Kaye Abad at Paul Jake Castillo ay na-engage noong May 2016 at ikinasal naman noong December 9, 2016 na idinaos sa Cebu.

Ipinanganak ni Kaye Abad si baby Joaquin nitong December 22, 2017. Magkasabay ng birthday si Joaquin at si Paul Jake.

Nabinyagan si Joaquin nitong March 28 sa Sacred Heart Parish, Cebu City.

Doctors had no idea what's wrong with Angelo. His mom is in pain watching her son suffer. This family needs money for appropriate medical checkup that would allow to set diagnosis. All together we can help! Find Marlyn Rosamiran's contact details in the end of the video.

I am bigger than my illness - Angelo - on KAMI YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens react to Vice Ganda dismissing accusations of him endorsing Imee Marcos

Netizens react to Vice Ganda dismissing accusations of him endorsing Imee Marcos

Netizens react to Vice Ganda dismissing accusations of him endorsing Imee Marcos
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel