May alam kaya siya? Ara Mina, nagsalita na sa chismis na naghiwalay na si Cristine Reyes at Ali Khatibi

May alam kaya siya? Ara Mina, nagsalita na sa chismis na naghiwalay na si Cristine Reyes at Ali Khatibi

- Nagsalita na si Ara Mina ukol sa isyu na diumano'y hiwalay na si Cristine Reyes at Ali Khatibi

- Maingay kasi ngayon ang bali-balita na talagang nagkalabuan na ang mag-asawa

- Na-corner si Ara ng mga taga-media kaya nagbigay naman ito ng pahayag

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagsalita na sa wakas si Ara Mina ukol sa maingay na chismis ngayon na diumano'y hiwalay na ang mag-asawang Cristine Reyes at Ali Khatibi.

Ayon sa ulat ng PUSH, na-corner si Ara ng mga taga-media sa press conference ng serye na "Araw Gabi" kung saan kasama si Ara at pinagbibidahan nina JM De Guzman at Barbie Imperial.

Nalaman ng KAMI na sa panayam kay Ara, sinabi niyang hindi naman na bago sa mag-asawa ang dumaan sa pagsubok.

"Nag-post lang ata siya ng pray for me, tapos nag haka-haka na sila doon.

"Normal lang naman sa mga mag-asawa ang may hindi pagkaka-intindihan, hindi naman siguro away, indifferences."

Para kay Ara, pag dating sa aspeto ng buhay may asawa ni Cristine, hindi siya nanghihimasok dito.

"Hindi din kasi ako nagtatanong e, She’s okay naman madalas kami magksama kasi ingat na ako, kasi di ba, ayaw ko na mag-away kami magkapatid. Tsaka pag mga ganyan, buhay nila yun, ayaw ko mag-interfere," paliwanag niya.

Sinabi rin nito na naka-suporta lang siya sa kapatid basta't kinailangan siya nito.

"Hindi siya nagsasabi, very strong pa din siya at alam naman niya na anytime na she needs me andito lang ako."

Paliwanag ni Ara kung bakit hindi masyadong active sa social media si Cristine, dahil sobrang busy daw ito ngayon sa kanyang mga projects.

"Sobrang busy kasi ngayon ni Cristine sa mga projects, yung Abay Babes, Tapos mayroon pa siya na parang action film, ang sabi niya nag-training daw siya, magpapakita siya ng abs, so ayun," pagtatapos ni Ara.

Nitong nakaraang tatlong buwan ay nag-post si Cristine Reyes sa kanyang Instagram account ng prayer na humihingi ng proteksyon sa pagsasama nilang mag-asawa.

Ito ay nag-resulta sa spekulasyon na dumaraan sa matinding pagsubok ang pagsasama nila.

Kamakailan lang, naging maingay naman ang balita na diumano'y naghiwalay na talaga ang mag-asawa.

Si Cristine at Ali Khatibi ay ikinasal noong taong 2016 ay may isang anak na si Amarah.

Doctors had no idea what's wrong with Angelo. His mom is in pain watching her son suffer. This family needs money for appropriate medical checkup that would allow to set diagnosis. All together we can help! Find Marlyn Rosamiran's contact details in the end of the video.

I am bigger than my illness - Angelo - on KAMI YouTube Channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Balik showbiz na! Kaye Abad set to return to television after three years

Balik showbiz na! Kaye Abad set to return to television after three years

Balik showbiz na! Kaye Abad set to return to television after three years
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel