LINDOL dapat bang asahan sa PILIPINAS? Kakaibang lamang dagat na may habang 30 feet senyales daw!

LINDOL dapat bang asahan sa PILIPINAS? Kakaibang lamang dagat na may habang 30 feet senyales daw!

KAMI ay napag-alaman ay nabalitaan ito sa DailyMail - Ang malalaking lamang dagat na tinatawag na “Oarfish” ay sinasabing ‘mensahero ng karagatan’ ay madalas ang pagkakakita nito sa mga dalampasigan ng Pilipinas sa mga nakalipas na araw, na ngayon ay pinangangambahan na senyales ng lindol na paparating

Ang ilan bilang ng mga kakaibang uri ng isda ito ay madalas matatagpuan sa ilalim ng dagat na aabot ng halos 3,000 ft ay ngayon nasa dalampasigan ng bansa. Maraming mga tao at mga siyentipiko ang naniniwala na mga tinatawag na “sea serpent” ay napadpad sa mga dalampasigan dahil sa malalakas na agos sa ilalim ng karagatan.

LINDOL dapat bang asahan sa PILIPINAS? Kakaibang lamang dagat na may habang 30 feet senyales daw!
Ang isang malaking “sea serpent” na natagpuan sa mga beach ng Agusan Del Norte sa Pilipinas (Photo credit: Elese Rose Jane Allocod)

Isang nakamamatay na lindol ang tumama sa isla ng Mindanao at marami ang naniniwala na ang pag-ahon ng “oarfish” sa mga dalampasigan ay simbolo ng lindol na maaaring sumunod dito.

Mayroon nang mga halimbawa ng mga ganito sa mga nakalipas na buwan.

Ang isang malaking oarfish ay namataan sa pampang ng Agusan del Norte sa Pilipinas ilang araw makalipas ang malakas na lindol na tumama sa isla ng Mindanao noong Pebrero 11.

5 pang oarfish ang natagpuan sa dalampasigan pagkatapos ng ilang araw matapos tumama ang isang 6.3 na lindol

Walong tao ang namatay at mahigit sa 200 ang tinatayang sugatan ang nagsilab ng isang pag-uusap sa social media ang tungkol sa kung may relasyon nga ba ang mga nilalang na ito at ng mga natural na insidente.

Ang pinaka huling namataan ay noong araw ng Sabado ay nakita sa dalampasigan sa bayan ng Cagayan de Oro, na may habang 15 feet.

Ayon sa mga opisyal ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (o mas kilala sa Phivolcs) ay nagsasabing ay ang kaparehong lindol ay maaaring mangyari sa Cagayan de Oro ano mang oras.

“Hindi ito para takutin ang mga tao kundi ipalaganap ang pagkaalamaan, ito rin ay para hikayatin ang mga tauhan ng kagawaran ng local ng kanilang bayan upang makipagtulungan sa amin at nang malaman nila ang kanilang dapat gawin” Sabi ng Regional Director na si Marcial Labininay sa isang pahayag sa sunstar.com

Sinasabi din ni Mr. Labininay na ang paniniwala tungkol sa oarfish ay isang hakahaka lamang at walang sapat na basehan kaya hindi ito dapat paniwalaan.

Ang paliwanag ng mga siyentipiko tungkol dito ay ang mga nilalang na ito na nakatira sa ilalim ng karagatan ay napipilitang umahon dahil sa mga malalakas na pagyanig at pag-galaw sa ilalim ng dagat.

Sapagkat ang mga mababaw na tubig ay madalas na mas ligtas sa tuwing may ganitong uri ng problema sa ilalim ng dagat. Ang mga oarfish ay kumakain sa mga lamang kati o ng mga tinatawag na “crustaceans” na hindi mahahanap sa mababaw na tubig na maaaring sanhi ng kanilang kamatayan.

LINDOL dapat bang asahan sa PILIPINAS? Kakaibang lamang dagat na may habang 30 feet senyales daw!
Ang mga siyentipiko ay sinasabi na ang mga ganitong nilalang ay madalas matatagpuan sa malalim na bahagi ng dagat na umaabot ng 3,000 feet (Photo credit: Elese Rose Jane Allocod)

LINDOL dapat bang asahan sa PILIPINAS? Kakaibang lamang dagat na may habang 30 feet senyales daw!
Ang mga oarfish ay maaaring mamatay dahil narin sa kawalan ng makakain nila sapagkat ang kinakain nila ay mga lamang kati na nasa kailaliman din ng dagat (Photo credit: Elese Rose Jane Allocod)

Karaniwan ang kanilang kulay ay asul, purple at pula, ngunit ang kulay na ito ay nawawala sa oras na sila’y mamatay.

Ang mapulang palikpik nila ay nagmumukang mane o buhok sa paligid ng kanilang leeg

Una itong namataan taong 1772, sila ay tinaguriang pinakamabutong isla sa buong mundo at madalas itong naikokonekta sa mga makalumang mga kwento.

Ang mga eksperto sa pagaaral ng lindol o Seismologists mula sa Japan ay sinasabing ang oarfish ay nilalang na ‘Mensahero mula sa kaharian ng diyos ng dagat’ at marami ang naniniwala na ito ay senyales ng isang lindol na paparating, ayon ito sa pagaaral ng National Geographic

At dahil sa naninirahan sila sa ilalim na bahagi ng dagat, kaya’t nahihirapan ang mga tao na mas pag-aralan ito.

LINDOL dapat bang asahan sa PILIPINAS? Kakaibang lamang dagat na may habang 30 feet senyales daw!
Ang malaking oarfish na napadpad sa dalampasigan ng Agusan del Norte sa Pilipinas (Photo Credit: DailyMail)

Ang ganap nitong siyentipikong pangalan ay Regalecus glesne, ngunit kilala din ito sa bansag na “king of the herring,” “oarfish”,”streamer fish” at “ribbon-fish”

Si Rachel Grant, nagtuturo tungkol sa mga hayop sa Anglia Ruskin University sa Cambridge ay sinasabing na maaring may koneksyon nga ang mga oarfish at lindol ayon sa kanyang paliwanag ayon sa The independent.

LINDOL dapat bang asahan sa PILIPINAS? Kakaibang lamang dagat na may habang 30 feet senyales daw!
Ito ang larawan ng isang 18 foot na oarfih na natagpuang patay sa pampang sa isla ng Catalina ng Los Angeles noong Oktubre 2013.(Photo credit: Catalina Island Marine Institute)

LINDOL dapat bang asahan sa PILIPINAS? Kakaibang lamang dagat na may habang 30 feet senyales daw!
Sa maraming kwento noon ay madalas nababangit ang tungkol sa oarfish. Ganito ang pagkaka-kita ng isang magaling sa sining (Photo Credit: Getty images)

Hindi pa ganoon karami ang kaalaman tungkol sa nilalang na ito Ang mga pag-aaral tungkol sa dito noon ay nangyayari lamang kung sila’y napapad sa dalampasigan na malapit nang mamatay o patay na.

Sa kabilang banda, nakikita ang ganitong uri ng isda sa maraming bahagi ng mundo, naniniwala ang karamihan na ninirahan ito sa malalim na bahagi ng dagat sa buong mundo.

.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
John Gonzales avatar

John Gonzales