Student shares tearful experience when her friend beggar died

Student shares tearful experience when her friend beggar died

- A college student shared her heartbreaking story about a beggar she met and befriended

- Facebook page UP Secret Files shared the story of an Engineering student who had an unfortunate and short friendship with a beggar

- The student helped the beggar find his children but she later found out that her friend already died

A college student had the most heartbreaking moment of her life when she met an old beggar who was abandoned by his family.

KAMI was moved by the story posted by Facebook page UP Secret Files where an Engineering student shared her story about how she befriended a beggar he met and helped him find his children only to know one day that he already died.

beggar
Photo credit: filipino.cri.cn

READ ALSO: Netizens share a photo of Gypsy beggar with 'sleeping' baby

Here is her story:

"In my 18 years in this planet, NEVER EVER kong ginustong magbigay ng piso sa mga pulubi. Yung mga maglalagay ng sobre sa lap mo habang nasa jeep ka, o yung mga kakalabit sayo habang naglalakad ka. Para kasi sa'kin, mas ginagawa mo silang tamad. Mas gusto kong bigyan yung mga nagbebenta ng sampaguita, o mga nangangalakal, at least sila may effort.

Pero this beggar, in Ayala, really hurt me, sagad sa buto yung tama sakin.

Dala dala ko yung gym bag ko with my clothes and a bottle of water, tapos backpack cuz I'd be going UP na after. Nasa Ayala Ave ako nun, then I was going upstairs to the MRT station tapos may matandang lalaki na binoblock yung half ng space sa hagdanan.

*Ano ba naman to, nanghihingi na nga lang, nakaharang pa.*

Dahil nagmamadali si ateng nasa likuran ko, nabangga ako, then nahulog ko yung hindi ko malilimutang Summit mineral bottle ko dun sa lampin ni Manong Beggar.

Napansin ko yung mata ni Manong Beggar. Yung isang eyeball niya, bulag na. Tapos yung isa naman, parang may cataract or something sa mata. Mga 40% na lang siguro yung eyesight ni manong.

Tapos kinapa ni manong yung nasa lampin niya. Kukunin ko na sana yung bote, kaso bigla siyang umiyak! Parang bata!

Nagulat ako, pati yung mga taong nasa paligid namin. Tuwang tuwa si manong dahil sa tubig. Akala niya bingyan ko siya ng tubig, pero hindi. I was about to get it but I couldn't. Hindi magawa ng puso ko na kunin yung bottle.

"Tubig! Tubig! Salamat po! Salamat po!" Paiyak na sinabi ni Manong. Hindi siya humahagulgul.

Sobra sobra yung pagkatuwa ni Manong. Ako din hindi makapaniwala sa reaction ni Manong. Para siguro sa mga may kaya, yung mga nakakakain katulad ko ng tatlong beses sa isang araw, wala lang yung tubig. Ito yung mga bagay na tinatake ko for granted. Hindi ko alam, sobra sobra yung halaga nito sa iba. Umiyak yung isang babae sa likuran ko. Tapos nagbigay siya ng bente kay Manong.

Umakyat ako. Pumunta sa Julie's bakeshop. I bought a bread and then bumalik ako tapos binigay ko kay Manong. To be honest, Manong doesn't smell. Hindi siya mabango, pero hindi rin siya mabaho. I asked him "Napano po yung mata niyo?"

Catarcact nga daw, nagpacheck up siya sa PGH. Pero may mga requirements ata, or parang ID or something na kailangan and wala siyang maipresent so hindi siya maoperahan. Mga 3:30 PM na. Kailangan ko nang umalis. I asked Manong if may asawa siya or anak. He said yung mga anak niya may sarili na ring pamilya tapos nasa Middle East and yung isa nasa Australia daw. Patay na rin daw yung asawa niya.

Kumulo talaga yung dugo ko to see manong, who worked as a jeepney driver for 35 years (yung route na Cubao-PhilCoa daw yung dinadrive niya) then to be dumped by his own children! P*tang ina talaga! Mas marami pa ata akong naibigay kay manong kesa sa mga naibigay sa kanya ng anak niya. I asked for his children's names and searched them on FB.

beggar
Photo credit: blogspot.com

4PM. I really need to go. I asked Manong if nasa Ayala pa rin siya next week, he said, he still doesn't know. Minsan daw kasi hinuhuli sila, minsan daw pinapaalis. Ayokong iwan si Manong that time, pero kailangan ko na talagang umalis. Sinabi ko kay Manong babalik ako next week. Hinawakan niya yung kamay ko, habang lumuluha siya. Lumuluha na rin ako tapos sinabi niya sakin "Anak, salamat. Maswerte mga magulang mo."

Nasa MRT na ako, naluluha pa rin. Kunwari inaantok ako para hindi ako magmukang baliw sa MRT na umiiyak mag-isa. Pero still, hindi makapaniwala sa nangyari sakin.

That night, sinearch ko yung mga pangalan na binigay ni Manong sakin. May isa sa nagpop up, nasa Middle East. Professional na siya. May asawa, may mga anak. Nag-PM ako and sinabi yung situation ng tatay nila. I found out that wala talagang paki yung mga anak niya sakanya. Kasi daw "manginginom, lasinggero, babaero" yung tatay nila dati. Umakyat sa 200 degrees Celsius yung dugo ko. Lalo na nung sinabi nila na contact-in ko nalang yung DSWD para sa tatay nila.

I was like "KOYA TOTOO BA TATAY MO PO YUNG PINAPAGUSAPAN NATIN. SANA KUNG YUNG LUMANG SAPATOS NA PWEDENG IDONATE SA CHARITY PWEDS PA.

AT ANG LAKAS MO MAGUPLOAD NG PICS SA FB NAKAPUBLIC PA. MGA ANAK MO MAY SARILING KOTSE, TATAY MO WALANG PAGKAIN."

Though of course, I said it in a nice way. Then he gave me the number of their youngest half-brother, (anak ni Manong sa pangalawang babae, so "babaero nga siguro si manong"). Siguro ganun na lang talaga yung galit ng mga anak niya sakanya.

I texted manong's younges son. Nasa Palawan Nagtratrabaho sa isang mining company. He was willing to help. Tapos nagsorry siya kasi wala daw siyang pamasahe para hanapin yung tatay nila sa Maynila. Yung huli daw nila na alam ay nakikituloy sa isa nilang relative, pero last month ata ay pinaalis na si manong doon.

Mag-memeet up kami in 3 weeks. To help manong go home.

The next week na pumunta ako sa Ayala ave. Nandoon si manong! Tapos sinabi ko sakanya na pupunta si JJ (name ng bunso niya). Tuwang tuwa siya, niyakap niya ako. Sobrang busy ko non, dahil hell week ko so I have to go to UP early. Sabi ko kay Manong konting hintay nalang. Umiiyak si Manong. Naiiyak na rin ako.

READ ALSO: Policemen were surprised when a beggar said he had been robbed of $42,000

Nainspire ako actually kay Manong. Na kahit iniwanan ng mga kapamilya niya habang sila may magandang buhay overseas, pumupush pa rin. Push lang! kumbaga. Yung mga problema ko dati na traffic sa Katipunan, o kaya puno yung Starbucks, hindi naman nawala, pero hindi ko na pinroblema. Yung mga acads problem ko, mga friends problem ko, wala na, lampaso sa problema ni manong. Dati gusto ko nang sumuko sa life, mag give up, I realized that sobrang dami pang tao yung mas may mabigat na problema.

Sh1t! Excited na ako! 2 weeks na lang makikita na ni Manong yung bunso niya. Then mga 5PM nun, nalate ako. Wala si manong sa Ayala. May mga pulis sa baba. Or traffic enforcer. Tinanong ko kung nasaan yung manong doon sa hagdanan banda. Pinagpasa-pasahan nila ako, just as any government employee would do, then yung isang mamang pulis sinabi, "baka yun yung namatay nung isang araw".

Baka. Namatay. Nung. Isang. Araw.

Putang. Ina. at Ama.

"Kuya yung may sakit po sa mata?"

"Yung bulag? Oo, siya nga ata, tignan mo yung picture."

"Kuya ung may lampin na itim sa harapan niya?"

"Oo. Yung bulag nga? Tignan mo nga kasi yung picture!"

beggar
Photo credit: blogspot.com

Tinignan ko yung picture na hawak ni mamang pulis. Umiyak ako. Si Manong, nakatakip ng kumot. Tapos yung lampin niya na itim nakabalot sa mukha niya. Nakayakap siya dun sa Summit mineral bottle na nahulog ko. Halos humagulgol ako sa iyak. Wala akong pake kung tawanan ako ng mga mamang pulis. Sabagay, may clan wars sila sa CoC kaya hindi nila ako maasikaso ng maayos.

"Sige, thank you po kuya."

NagMRT ako. Umiiyak ulit. Hindi dahil sa tuwa, ngunit sa lungkot.

Tinext ko yung anak ni manong. Nasa isang public hospital daw yung body ni manong. Naiiyak nanaman ako habang sinusulat to. Pasensya na kayo, kailangan ko lang talang ilabas 'to. Ang sakit sa dibdib.

Naggpalit na ako ng mineral water pero hanggang ngayon hindi pa rin ako makamove on kay manong.

To you manong, alam kong hindi mo na mababasa 'to. Pero kung totoo ang afterlife, at may FB doon, alam kong ipapakita sayo yung post na 'to ni God, or ni Steve Jobs, or ni Isaac Newton.

Rest in peace, manong. Siguro nga totoo, na hindi kailangang matagal mong makasama ang isang tao, para mahalin mo siya. Minahal ko si manong, as a friend, a father, a lolo, kahit ilang araw pa lang kaming nagkakilala. Maraming maraming salamat manong, binuksan mo yung isip ko sa mas malawak na perspektibo. Habang buhay ko tong dadalhin sa buhay ko.

Maraming salamat manong, 'wag kang mag-alala tutulungan ko yung mga magulang ko. Pangako 'yun, para sa'yo.

Summit, 2013, Engineering"

kami-share

READ ALSO: Student talks to future generations through touching speech

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Janna Cabral avatar

Janna Cabral