72-taong gulang na bulag, lakas loob pang nagtitinda ng ice cream mag-isa
- Labis na nabahala ang netizen na si Romy Torilla sa matandang ice cream vendor na si Mang Nick
- Mag-sa lang kasing naglalako ng ice cream ang matanda sa paninindigan na di kailangang mamalimos na lamang dahil siya ay wala ng paningin
- Umani ng iba't ibang reaksyon ang viral post na ito at walang ibang hiling ang mga nakakita ng video kundi ang matulungan ang matanda
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Sa bayan ng Sulat Eastern Samar, matiyagang naglalako ng ice cream ang 72 taong gulang na si tatay Nick.
Bukod sa kanyang edad na dapat ay nagpapahinga na lamang, isa siyang bulag kaya naman mas lalong nag-alala ang mga kababayan niya sa panganib na naambad sa kanya.
Nalaman ng KAMI na bagaman at siya ay bulag buong tapang siyang naglalakad sa kainitan ng araw maghapon at mag-isa at wala manlang nag-aakay o gumagabay.
Kaya naman isang nagmamalasakit na netizen ang nagbahagi ng video ni Tatay Nick. Sa video na ito, mas lalong humanga ang netizen sa matanda sa mga sagot nito sa kanyang mga katanungan tungkol sa kanyang kalagayan.
Ayon kay tatay Nick, ginagawa niya ang pagtitinda dahil ayaw niyang mamalimos na lamang dahil lang siya ay bulag. Ayaw din niyang maramdaman na wala na siyang pakinabang sa lipunan dahil sa kanyang kapansanan kaya naman nakikipagsabayan siya sa mga normal na tao sa pagtitinda.
Samantala, nagbahagi ng kani-kanilang reaksyon ang mga netizen na nakapanood ng video at karamihan sa kanila ay nagnanais na matulungan ang mgatanda.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Naiyak ako kay Mang Nick sa kanyang kalagayan kahit bulag ay hindi nya alintana maghanap buhay kahit walang umaakay sa kanya ay kaya nyang maglaku ng kanyang ice buko sa maghapon.at pinagmalaki nya na hindi nya kailang magpalimos para lang kumita ng pera.at kayang sumabay sa mga normal na ninilang.at hindi hadlang sa kanya ang kapansanang na pagiging bulag"
" Idol kita boss...nakaka.awa namn yan"
" proud ako sau manong...mabuhay ka"
"Dapat yan ang bigyan ng pasin boss!!!"
This episode is dedicated to a very important issue – the safety of our children. Filipino Kidnapping Social Experiment: Are Your Children Safe? | HumanMeter on KAMI Youtube channel.
Source: KAMI.com.gh