Kim Chiu, may babala sa mga gumagawa ng kuwento tungkol sa buhay niya
- Naglabas ng babala ang aktres at host na si Kim Chiu laban sa mga indibidwal at platapormang nagpapakalat ng pekeng balita at malisyosong tsismis tungkol sa kanyang pribadong buhay
- Kinumpirma ng aktres na kumikilos na ang kanyang legal team upang imbestigahan ang mga posibleng paglabag sa kanyang privacy sa ilalim ng Article 26 ng Civil Code of the Philippines
- Pinaalalahanan din ni Chiu ang publiko na gamitin nang may responsibilidad at respeto ang social media sa halip na manira ng kapwa para lamang kumita ng pera online
- Kasabay nito ay nananatiling abala ang aktres sa pagtataguyod ng kanyang negosyo ng bag at sa pelikula nila ni Paulo Avelino para sa Metro Manila Film Festival
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Nanindigan ang aktres at host na si Kim Chiu upang protektahan ang kanyang kapayapaan at pribadong buhay laban sa mga nagpapakalat ng pekeng balita at tsismis. Sa X, dating Twitter, ibinahagi ni Chiu na gumagawa na ng hakbang ang kanyang mga abogado.

Source: Instagram
Ayon sa kanya, ang kanyang legal team ay kasalukuyan nang "looking into the individuals and platforms responsible for spreading false information, malicious rumors, and invading my privacy, including possible violations of Article 26 of the Civil Code of the Philippines."
Pinaalalahanan din ni Chiu ang publiko tungkol sa kapangyarihan ng social media at kung paano ito dapat gamitin nang tama. Pahayag ng aktres, "Social media can be a powerful tool for both good and bad. Sana gamitin natin ito sa mabuting paraan, hindi para manira, manghusga, o makialam sa pribadong buhay ng ibang tao.
Not everything I go through needs to be shared, explained, or justified to the public. You never know what someone is going through until you’re in their shoes," Dagdag pa niya, "Freedom of expression comes with responsibility A little kindness and respect can go a long way,"
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Naglabas din ng saloobin ang "It's Showtime" host sa paggawa ng kuwento ng iba para lamang pagkakitaan online. Ani Chiu, "It’s sad what our society has come to. Creating narratives about someone’s life you barely know, just to make a story more interesting for monetization.
xAt whose expense? I understand how difficult it is to earn a living, especially as we get older. But should earning money come at the cost of someone else’s peace and dignity? At the end of the day, what legacy do we want to leave behind in Philippine showbiz? Monetization is temporary. Integrity is your legacy.🤍"
Si Kim Chiu ay unang nakilala bilang Big Winner ng "Pinoy Big Brother: Teen Edition" noong 2006 bago naging isa sa mga kilalang aktres, host, at negosyante sa bansa. Habang hinaharap ang usaping ito, patuloy niyang itinataguyod ang kanyang bag business at ang pelikula nila ni Paulo Avelino na "A Perfect Marriage" na kalahok sa Metro Manila Film Festival ngayong taon. Bago ang pahayag na ito, ibinahagi rin sa Kami.com.ph ang mga kaganapan sa kanyang negosyo at karera.
Sa naunang ulat, ibinahagi ni Kim Chiu ang pagmamalaki sa mga kapatid niyang sina John at Twinkle Chiu na humalili sa pagbabantay ng kanyang negosyo. Pinangunahan ng magkapatid ang operasyon ng kanyang handbag brand sa timog na bahagi ng bansa habang abala ang aktres sa Maynila. Lubos ang pasasalamat ni Kim sa suporta at dedikasyon ng kanyang mga kapatid sa kanilang negosyo.
Samantala, naiulat din ang pagiging emosyonal ng aktres sa mainit na pagtanggap ng publiko sa kanyang mga proyekto. Inamin ni Kim na halo-halong emosyon ang kanyang naramdaman nang makita ang maraming taong sumusuporta sa kanya. Nagpasalamat siya sa lahat ng mga tagahangang patuloy na nagmamahal at nagtitiwala sa kanya sa gitna ng mga pagsubok na kanyang pinagdaraanan.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh


