Kaye Abad, emosyonal na ibinahagi ang sikreto sa ina tungkol sa breast cancer
- Kaye Abad, emosyonal na ibinahagi sa kaniyang ina ang matagal na tinagong breast cancer diagnosis, matapos ang mahigit isang taon ng tahimik na laban na sinamahan ng gamutan at biyahe sa Cebu at Singapore
- Sa panahong iyon, tanging kapatid niyang si Sarah, piling kaibigan, at malalapit na mahal sa buhay ang nakakaalam ng kaniyang kondisyon, habang sadyang hindi niya agad sinabi sa ina upang hindi mag-alala at maapektuhan ang emosyonal na kalagayan nito
- Maingat na inihanda ng magkapatid ang pag-uusap gamit ang simbolo ng pink ribbon tattoo, na naging paraan ni Kaye upang ipaliwanag ang kaniyang pinagdaanan at ipakita na siya ay survivor ng breast cancer
- Nang tuluyan niyang sabihin ang mga salitang “Na-survive ko ang breast cancer”, agad na napaluha ang ina, nagyakap ang mag-ina, at sabay na nagpasalamat sa Diyos sa paggaling ni Kaye, habang nagpapatuloy pa rin siya sa maintenance medication upang maiwasan ang muling pagbalik ng sakit
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Nagbigay ng isang napaka-personal na sandali si Kaye Abad sa kaniyang mga tagahanga nang ibahagi niya sa vlog ang emosyonal na pag-amin sa kaniyang ina, si Cecil, tungkol sa matagal na tinagong breast cancer diagnosis.

Source: Youtube
Mula Enero 2025 hanggang Marso 2026, tahimik na nilabanan ni Kaye ang breast cancer. Sa panahong iyon, madalas siyang bumiyahe mula Cebu patungong Singapore kasama ang kaniyang asawa na si Paul Jake Castillo para sa mga gamutan, pagsusuri, at medikasyon. Tanging ang kapatid niyang si Sarah, ilang piling kaibigan, at malalapit na mahal sa buhay ang nakakaalam ng kaniyang kondisyon.
Ayon kay Kaye, sadyang hindi niya agad sinabi sa kaniyang ina upang hindi mag-alala at maapektuhan ang emosyonal na kalagayan nito. “Hindi ko pwede sabihin kasi ayokong mag-worry ka...pero okay na, tapos na,” emosyonal niyang pahayag sa ina.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Sa tulong ng kapatid na si Sarah, maingat nilang inihanda ang pag-uusap. Ginamit nila ang simbolo ng pink ribbon, na kilala bilang tanda ng breast cancer awareness at survivor’s courage, upang unti-unting ipaliwanag ang pinagdaanan ni Kaye. Sa huli, ipinakita niya ang tattoo ng pink ribbon sa kaniyang katawan bilang tanda ng kaniyang tagumpay laban sa sakit.
Nang tuluyan niyang sabihin ang mga salitang “Na-survive ko ang breast cancer,” agad na napaluha ang kaniyang ina. Nagyakap ang mag-ina, sabay pasasalamat sa Diyos sa paggaling ni Kaye. “Mabait si Lord sa atin...kaya dapat [may] celebration,” ani Cecil.
Bagama’t cancer-free na, patuloy pa rin ang gamutan ni Kaye. Ayon sa kaniyang oncologist, kailangan niyang uminom ng maintenance medication sa loob ng lima hanggang sampung taon upang maiwasan ang muling pagbalik ng sakit.
Si Kaye Abad ay kilalang aktres na unang nakilala sa mga youth-oriented shows noong dekada ’90. Bukod sa kaniyang matagumpay na karera sa telebisyon at pelikula, mas nakilala rin siya sa pagiging hands-on wife at mother matapos pakasalan si Paul Jake Castillo. Sa kabila ng kaniyang tahimik na pamumuhay sa Cebu, patuloy siyang nagbibigay inspirasyon sa mga tagahanga sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kaniyang personal na journey.
Kamakailan lamang, ibinahagi rin ni Kaye ang suporta ng kaniyang pamilya sa laban kontra breast cancer. Sa artikulong inilathala ng Kami.com.ph, makikita ang pagmamahal at pagtutulungan ng kaniyang mga mahal sa buhay upang mapalakas ang kaniyang loob sa panahon ng gamutan.
Samantala, nagbigay naman ng madamdaming post si Paul Jake Castillo para kay Kaye matapos ang matagumpay na cancer journey. Sa kaniyang mensahe, pinuri niya ang lakas ng loob ng asawa at ipinahayag ang kaniyang walang sawang suporta.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh

