KC Concepcion, mas maayos na ang relasyon kina Sharon at Gabby

KC Concepcion, mas maayos na ang relasyon kina Sharon at Gabby

  • KC Concepcion nagkuwento sa “KC After Hours” tungkol sa relasyon niya sa mga magulang
  • Ayon kay KC, mas maayos na ang ugnayan nila ni Sharon Cuneta at mas bukas na ang komunikasyon
  • Nagpasalamat din siya kay Gabby Concepcion at Jenny Syquia, tanda ng mas positibong relasyon
  • Layunin ni KC na magkaroon ng sariling pamilya at ayusin ang relasyon bago maging ina

MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!

Mas naging maayos na ang relasyon ng aktres na si KC Concepcion sa kanyang mga magulang na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion. Sa latest episode ng kanyang programang “KC After Hours” noong Sabado, Abril 11, prangkang ikinuwento ni KC ang kasalukuyang estado ng kanilang ugnayan.

KC Concepcion, mas maayos na ang relasyon kina Sharon at Gabby
KC Concepcion, mas maayos na ang relasyon kina Sharon at Gabby (📷@kristinaconcepcion/IG)
Source: Instagram

Sa panayam ni Kapamilya broadcast-journalist Karmina Constantino, diretsahang tinanong si KC tungkol sa relasyon niya sa kanyang ina. “So much better,” sagot ng aktres. Paliwanag niya, mas bukas na raw ang kanilang komunikasyon at mas kaya na niyang sabihin ang kanyang saloobin nang hindi nagkakaroon ng maling interpretasyon. “I’ll just tell her straight na, ‘Ma, hear me out. This is my situation. But don’t worry, there’s no blaming,’” dagdag pa niya.

Read also

Criza Taa, sumagot sa netizen na kumuwestiyon sa kaniyang lifestyle

Aminado si KC na may mga tensiyon pa rin paminsan-minsan, ngunit mas pinipili na niyang huwag palakihin ang mga ito. “Nakakapagod. Let’s just be okay. ‘Ano ba ang naging problema? Can I fix it? Can we both fix it?’” aniya. Para sa kanya, mas mahalaga na mapanatili ang maayos na relasyon kaysa magpatuloy sa mga hindi pagkakaunawaan.

Nang tanungin naman tungkol sa kanyang ama, ibinahagi ni KC na nagkaroon sila ng palitan ng mensahe kamakailan. “I was messaging a few weeks ago. Same thing ng tinext ko kay Tita [Jenny Syquia] na thank you. I don’t know where this is coming from. You know, I think I’m at a point in my life where soon I can feel it,” ani KC.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Dagdag pa niya, bago siya maging ina at asawa, nais niyang magpasalamat sa kanyang mga magulang. “I’m aiming towards having my own family. That’s really the goal. And I said, so before I become a mom and before I become a wife, I just want to thank you,” sabi ng aktres.

Matatandaang madalas maging sentro ng intriga ang relasyon ni KC sa kanyang ina, lalo na sa mga nakaraang taon. Noong Disyembre 2024, pinag-usapan ang isang throwback photo na ibinahagi ni Sharon Cuneta na may makahulugang caption, na muling nagpasiklab ng usapan tungkol sa kanilang relasyon.

Read also

Chie Filomeno, nagbigay reaksyon sa komento ng netizen tungkol sa kaniyang love life

Ngayon, tila mas positibo na ang pananaw ni KC. Sa kanyang mga pahayag, makikita ang kanyang pagnanais na ayusin ang mga hindi pagkakaunawaan at magpatuloy sa mas maayos na komunikasyon. Para sa kanya, mahalagang hakbang ito bago siya magsimula ng sariling pamilya.

Bilang anak ng dalawang kilalang personalidad sa showbiz, hindi maiiwasan na maging laman ng balita ang kanyang relasyon sa mga magulang. Ngunit sa pagkakataong ito, mas pinili ni KC na ipakita ang kanyang maturity at ang kanyang pagnanais na magkaroon ng mas maayos na ugnayan.

Kamakailan, ipinasilip ni KC Concepcion ang kanyang pagdiriwang ng kaarawan. Sa kanyang post, makikita ang masayang selebrasyon kasama ang mga kaibigan at mahal sa buhay.

Bukod pa rito, nagbigay-pugay si Tim Yap kay KC sa pamamagitan ng isang birthday reflection. Sa kanyang mensahe, pinuri niya ang pagkakaibigan nila at ang mga aral na natutunan mula sa aktres.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate