Vice Ganda, napahirit sa diretsong sagot ni Anne Curtis sa basher: "Ay may umorder ng pika"

Vice Ganda, napahirit sa diretsong sagot ni Anne Curtis sa basher: "Ay may umorder ng pika"

  • Sinagot ni Anne Curtis nang diretsahan ang isang netizen na bumatikos sa trailer ng bago niyang pelikula
  • Ang nasabing pelikula, ang The Loved One, ay ang pinakahihintay na pagbabalik ni Anne sa big screen kasama si Jericho Rosales
  • Isang maikli ngunit matapang na sagot ang naging tugon ng aktres sa platform na X
  • Hindi pinalampas ni Vice Ganda ang pagkakataon na biruin ang kaibigan sa naturang site

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Muling naging usap-usapan sa social media sina Anne Curtis at Vice Ganda. Ito ay matapos mag-viral ang naging sagot ni Anne sa isang basher na bumatikos sa kanyang upcoming movie project kasama ang matinee idol na si Jericho Rosales, na may titulong The Loved One.

Vice Ganda, napahirit sa diretsong sagot ni Anne Curtis sa basher: "Ay may umorder ng pika"
Photos: @praybeytbenjamin, @annecurtissmith on Instagram
Source: Twitter

Nagsimula ang lahat nang isang netizen ang tahasang nag-post na "nakakairita" raw na puro English ang dialogue sa nasabing pelikula. Hindi ito inatrasan ng tinaguriang 'Dyosa' ng Philippine showbiz at sumagot ng isang swak na "di wag ka manood."

Read also

Andi Eigenmann, ipinagdiwang ang kaarawan ng anak na si Koa sa Siargao

Ang simpleng hirit na ito ni Anne ay agad umani ng mahigit 2.6 million views at libu-libong likes mula sa mga fans na humanga sa kanyang pagiging palaban.

Ngunit ang hindi rin nakaligtas sa paningin ng mga netizens ay ang nakakatawang reaksyon ni Vice Ganda sa matapang na sagot ng kanyang 'sisterette.'

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa kanyang sariling account, ni-repost ni Vice and sagot ni Anne at pabirong sinabi na, "Ayyyyy may um-order ng pika with free delivery!!! Waaaaahhhhh!!! Loveetttee!!!"

Kilala ang magkaibigang Vice at Anne sa kanilang asaran sa harap at likod ng camera, kaya naman kinaaliwan ng marami ang post ni Vice. Sa gitna ng kulitan, marami pa rin ang excited sa muling pagsasama nina Anne at Jericho sa big screen.

Si Vice Ganda ay isang kilalang Pilipinong komedyante, aktor, host, at singer. Siya ay malawak na kinikilala dahil sa kanyang matalas na pag-iisip, makulay na personalidad, at malaking ambag sa industriya ng aliwan sa Pilipinas. Sinimulan niya ang kanyang karera bilang stand-up comedian sa mga comedy bar sa Manila. Nagsimula ang kanyang malaking break noong naging regular siyang host sa noontime variety show ng ABS-CBN na It's Showtime noong 2009. Dahil sa kanyang karisma at husay sa pagpapatawa, agad siyang naging sikat sa mundo ng local showbiz.

Read also

Mariel Padilla, nagbahagi ng madamdaming pagbati para sa kaarawan ni Toni Gonzaga

Sa nakaraang ulat ng KAMI ay pinag-usapan sa social media ang nakakatawang comment ni Vice Ganda sa bagong Instagram post ni Nadine Lustre. Nag-post kasi si Nadine ng mga aesthetic photos kung saan nakalutang siya sa tubig. Biro ni Vice, kapag siya ang gumawa nito ay hindi ganoon kaganda ang kinalalabasan. Umani ng libu-libong likes ang hirit na ito ng komedyante dahil sa pagiging makuwela nito.

Samantalang noong 2025 ay inamin ni Vice Ganda na si Anne Curtis ang itinuturing niyang "best friend" sa 'It’s Showtime.' Ikinuwento rin ni Vice ang kakaibang closeness nila ng kilalang Kapamilya star. Sa interview, ibinahagi rin niya ang hirap na naramdaman nang wala si Anne sa show. Para kay Vice, mas madali ang trabaho kapag kasama niya ang kanyang matalik na kaibigan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Chris Franco avatar

Chris Franco