Tatay ni Derek Ramsay, nakiusap kay Ellen Adarna ukol kay Baby Liana: "At first I didn't allow"
- Inamin ni Ellen Adarna na pinayagan niyang sumama ang anak na si Liana sa pamilya ni Derek Ramsay para sa kanilang trip sa England
- Nakiusap umano ang ama ni Derek na isama ang bata, kaya naman nag-reconsider ang aktres
- Samantala, ang panganay ni Ellen na si Elias ay kasalukuyang kasama ang amang si John Lloyd Cruz para sa Pasko
- Marami naman ang pumuri kay Ellen dahil lagi pa rin nitong inuuna ang kanyang mga anak
MAKI-TINGIN KA NAMAN: Pwede ka nang mag-comment sa mga artikulo ng KAMI! Subukan mo, madali lang!
Sa isang kamakailang Q&A session sa Instagram, naging bukas ang aktres na si Ellen Adarna tungkol sa kanyang mga anak at pati na rin sa mga tatay nito. May isang netizen kasi na nagtanong kung sino ang kasama ng kanyang mga "babies" para sa Pasko ngayong taon.

Source: Instagram
Tungkol sa kanyang bunsong anak na si Liana, inamin ni Ellen na noong una ay hindi niya ito gustong payagan na sumama sa trip ng pamilya ni Derek sa England.
"Si Liana, I allowed her to go with her father's family because nakiusap yung papa ni Derek, day, if Liana could go, if I could reconsider," aniya Ellen.
Dagdag pa niya sa naturang video, ayaw niyang magdala ng "guilt" na hindi niya pinayagan si Liana, lalo na't may sakit ang ama ni Derek na si Derek Arthur Ramsay Sr.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
"At first I didn't allow, but he's sick, and you know, I don't want to carry that guilt because who knows what's going to happen? I don't wanna carry that guilt na I didn't allow Liana to spend time with her grandfather, can I sleep peacefully at night if something happens to him and I didn't allow her?" paliwanag ni Ellen sa mga netizens.
Para naman sa kanyang panganay na si Elias, sinabi ni Ellen na ito ang unang pagkakataon na hindi "divided" ang oras ng bata dahil buo itong magpapasko kasama ang amang si John Lloyd Cruz.
"Elias is spending Christmas with John Lloyd but he will be with me after Christmas, for the New Year," sabi ng aktres.
Matatandaang ikinasal sina Ellen at Derek noong November 2021, sa isang intimate ceremony sa Bataan. Ngunit nito lamang November 2025, nagulat ang lahat nang kumpirmahin ni Ellen ang kanilang hiwalayan matapos ang mga alegasyon ng pagtataksil. Sa kabila ng mga pinagdaraanan, pinatunayan ni Ellen na prayoridad pa rin niya ang kapakanan at relasyon ng kanyang mga anak sa kanilang mga lolo at ama.
Panoorin ang video sa ibaba:
Si Ellen Adarna ay isang Filipina actress, model, at personality sa social media na kilala sa kanyang candid personality at kapansin-pansing ganda. Unang nakilala si Ellen sa mundo ng showbiz sa pamamagitan ng kanyang mga papel sa iba't ibang palabas sa telebisyon. Bukod sa kanyang karera sa entertainment, kilala rin siya sa pagiging tapat at walang filter sa social media. Sa kanyang personal na buhay, siya ay kasal kay Derek Ramsay. Bago nito, naging bahagi siya ng isang high-profile na relationship kay John Lloyd Cruz, kung saan nagkaroon sila ng anak.
Sa nakaraang ulat ng KAMI ay nag-reunite sina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz para sa piano recital ng kanilang anak na si Elias. Ipinakita ni Ellen sa kanyang Instagram Stories ang mga larawan ng kanilang pagsuporta kay Elias sa espesyal na araw na ito. Sa isa sa mga larawan, makikita si Elias na hawak ang kanyang certificate habang kasama ang kanyang mga magulang sa stage.
Samantalang ay nag-react si Ellen Adarna sa Instagram sa panayam ni Angelica Panganiban kay Karen Davila. Ibinahagi ni Ellen ang ilang clips mula sa viral na interview kay Angelica sa YouTube. Nagbiro pa nga kasi si Angelica tungkol sa "group chat" at sinabing hindi pa siya na-invite. Tugon tuloy ni Ellen sa kilalang aktres, "promise" niya raw at masaya ang naturang "group chat" nila.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh


