Kim Atienza, emosyonal sa pag-amin na binlock siya ng anak na si Emman sa social media

Kim Atienza, emosyonal sa pag-amin na binlock siya ng anak na si Emman sa social media

  • Inamin ni Kim Atienza na binlock siya ng anak na si Emman sa social media upang hindi ito ma-label na “nepo baby”
  • Ayon kay Kuya Kim, nais ng anak na makilala dahil sa sariling talento at hindi dahil anak siya ng kilalang TV host
  • Emosyonal na inalala ni Kuya Kim ang kanyang anak sa panayam sa Kapuso Mo, Jessica Soho
  • Naniniwala siyang may magandang dahilan sa nangyari, at patuloy siyang kumakapit sa pananampalataya

Emosyonal na ibinahagi ni Kapuso host Kim “Kuya Kim” Atienza ang kwento sa likod ng relasyon nila ng pumanaw na anak na si Emman Atienza, kabilang na ang masakit na katotohanang binlock siya nito sa social media upang hindi ma-associate bilang isang “nepo baby.”

Kim Atienza, emosyonal sa pag-amin na binlock siya ng anak na si Emman sa social media
Kim Atienza, emosyonal sa pag-amin na binlock siya ng anak na si Emman sa social media (📷Emman Atienza/Facebook)
Source: Instagram

Sa panayam niya sa Kapuso Mo, Jessica Soho nitong linggo, inamin ni Kuya Kim na ayaw ni Emman na magkasama sila sa mga social media post dahil ayaw nitong maakusahan ng mga netizen na nakikisakay siya sa kasikatan ng kanyang ama.

Read also

Bea Binene, nagbigay-linaw sa maling pagpapakilala bilang Vivamax actress

"Alam mo ba, even if they reference me a lot, ayaw na ayaw ni Emman na magkasama kami sa social media... binlock ako niyan, hindi ako puwedeng mag-stitch, mag-duet," kuwento ni Kuya Kim.

Ayon pa sa TV host, sinabi raw mismo ni Emman sa kanya: “Papa, I’m already called a nepo baby… If we’re seen together, I’ll be a real nepo baby. I want to do this on my own.”

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Dagdag pa ni Kuya Kim, “In fairness to Emman, nag-shine siya on her own.”

Sa nasabing panayam, kapansin-pansin ang pagod at lungkot sa mukha ni Kuya Kim, ngunit pinilit pa rin niyang maging matatag. “Grief kasi comes in waves… minsan biglang bumabagsak. Ayokong mag-isa kasi ‘pag mag-isa ako, mabigat,” aniya.

Gayunman, aniya, ang kabutihan ng puso ng kanyang anak at ang mga taong na-inspire nito ang patuloy na nagbibigay lakas sa kanya. “Emman was so kind. Napakabait ng batang ‘yon, sobra,” dagdag niya.

Si Emman ay pumanaw noong Oktubre 22 sa Los Angeles, California. Naiuwi na sa Pilipinas ang kanyang abo matapos ang cremation, at ginanap ang wake sa tahanan ng mga Atienza.

Read also

Kim Atienza sa pagpanaw ng anak: "Emman did not die in vain"

Si Kim Atienza, o “Kuya Kim,” ay isang batikang TV host at trivia master na kilala sa mga programang Matanglawin at 24 Oras. Anak siya ng dating alkalde ng Maynila na si Lito Atienza, at ama sa tatlong anak kabilang si Emman, na sumikat sa TikTok dahil sa kanyang mga makabuluhang content tungkol sa kindness, life reflections, at personal struggles.

Kim Atienza sa biglaang pagpanaw ni Emman: “Hindi mo alam kung saan galing ang sakit” Sa naunang panayam, ibinahagi ni Kuya Kim ang hindi masukat na sakit sa pagkawala ng anak, na aniya ay biglaan at masakit tanggapin. Sinabi niyang tanging pananalig sa Diyos ang nagbibigay sa kanya ng kapayapaan.

Donny Pangilinan pays tribute to Kuya Kim’s late daughter, Emman Atienza Nagbigay pugay si Donny Pangilinan sa anak ni Kuya Kim sa pamamagitan ng isang mensahe ng pakikiramay at paghanga sa kabutihan ni Emman. Pinuri niya ang legacy nitong “a little kindness” na nag-iwan ng marka sa maraming tao.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate