Hinala ng pagtataksil, nauwi sa pananaksak; babae, sugatan sa kamay ng asawa

Hinala ng pagtataksil, nauwi sa pananaksak; babae, sugatan sa kamay ng asawa

  • Isang 32-anyos na babae ang nasaksak sa likod ng kanyang 44-anyos na mister sa Brgy. 184, Maricaban, Pasay City noong gabi ng Agosto 5 dahil sa selos at hinalang pagtataksil
  • Ayon sa pulisya, lasing ang suspek at inabangan ang asawa bago ito komprontahin at saksakin sa labas ng kanilang bahay
  • Nauna nang nagreklamo ang biktima laban sa kanyang asawa nitong Abril dahil sa paulit-ulit na pagseselos
  • Aminado ang suspek sa krimen at humihingi ng tawad; nahaharap siya ngayon sa kasong frustrated parricide

Nagtamo ng sugat sa likod ang isang 32-anyos na babae matapos saksakin ng kanyang 44-anyos na asawa sa Barangay 184, Maricaban, Pasay City, dakong alas-11 ng gabi noong Martes, Agosto 5.

Photo: Pixabay
Photo: Pixabay
Source: UGC

Sa imbestigasyon ng pulisya, nag-ugat ang pananaksak sa matinding selos at hinala ng lalaki na may ibang karelasyon ang kanyang misis. Ayon kay Capt.

Glen Ramos Mangalindan, OIC ng Substation 7 ng Pasay City Police, “Parang nag-aabang na dun yung suspect natin na naka-inom. Kumbaga siguro, inaabangan yung asawa niya na umuwi galing sa lamay, at doon nagkaroon ng confrontation sa labas.”

Read also

13-anyos na binatilyong suspek sa pagpatay sa 8-anyos na babae, kinasuhan din ng panggagahasa

Posibleng tumalikod ang biktima matapos ang komprontasyon, dahilan upang saksakin siya ng suspek.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ayon kay Marivic Ramil De Asis, isa sa mga tanod na rumesponde, “Pagdating namin, nakita na lang namin yung sumaksak nakahandusay na lang po.” Dagdag pa niya, halos kuyugin ng mga residente ang lalaki matapos ang krimen.

Batay sa tala ng barangay, nitong Abril pa lang ay nagsampa na ng reklamo ang biktima laban sa asawa dahil sa paulit-ulit na pagseselos.

“May mga post sa Facebook na selos na naman,” ayon kay Kagawad Ceasaria Alota.
Aminado ang suspek sa ginawa: “Hinala lang yung kung meron siyang ano, kasa-kasamang ano... hinala lang po."
Dagdag pa niya, “Kung may pagkakataon po yung ginawa ko po sa kanya, sana patawarin niya po ako.”

Nasa maayos na kalagayan na ang biktima habang nakakulong na ang suspek at nahaharap sa kasong frustrated parricide.

Ang mga balita, larawan, o video na umaantig sa interes ng mga netizen ay kadalasang nagva-viral sa social media, dahil sa atensyon na ibinibigay dito ng publiko. Ang ganitong mga post ay tumatagos sa emosyon ng mga netizen, at sa ilang pagkakataon, maging ang mga ordinaryong tao ay nagiging bahagi nito dahil sa pagiging relatable nila.

Read also

Dinukot na beauty queen sa Leyte, natagpuan bangkay palutang-lutang sa dagat; paa't kamay nakatali

Sa isang naunang ulat ng KAMI, isang pamilya na binubuo ng tatlong miyembro ang walang awang pinagbabaril at pinatay sa loob ng kanilang tindahan sa Barangay Mallorca, San Leonardo, Nueva Ecija. Ayon sa CCTV footage, tatlong lalaki ang pumasok sa tindahan, isinara ang roll-up door, at pinagbabaril ang buong pamilya. Bago tumakas, isa sa mga suspek ay kinuha pa ang bag at cellphone ng biktima. Sa ulat ni Gary De Leon ng ‘Frontline Pilipinas’ ng TV5, lumalabas na nagsimulang makatanggap ng banta ang pamilya matapos umano silang magpautang ng P1 milyon sa isa sa mga residente ng kanilang barangay na sinasabing gagamitin sa negosyo.

Sa isa pang viral na lokal na ulat, isang 51-anyos na public school teacher sa Las Piñas City ang pinagsasaksak ng maraming beses ng sarili niyang asawa. Ayon sa ulat ni EJ Gomez sa ‘Unang Balita,’ naganap ang krimen sa loob mismo ng faculty room ng paaralan. Ayon sa mga pulis, may guwardya naman ang eskwelahan, ngunit dahil kilala na roon ang suspek, madali itong nakapasok at nakalabas. Sinabi ng suspek na gusto lang sana niyang kausapin ang kanyang misis upang ayusin ang kanilang hindi pagkakaunawaan, ngunit nauwi ito sa matinding pagtatalo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Stacy dela Fuente avatar

Stacy dela Fuente (Editor)