Barretto at Ang, posibleng maharap sa kaso ayon sa DOJ secretary
- Sinabi ni DOJ Sec. Jesus Crispin Remulla na isasama bilang suspek sina Atong Ang at Gretchen Barretto sa kaso ng mga nawawalang sabungero
- Pinangalanan sila ni Julie Patidongan, dating kilala bilang alias “Totoy,” sa kanyang akusasyon bilang mastermind ng krimen
- Ayon sa abogado ni Ang, walang kredibilidad si Patidongan dahil sa mga kinakaharap nitong kasong kriminal
- Mariin namang itinanggi ni Atong Ang ang akusasyon, at sinabing pera ang ugat ng isyu
Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!
Isang bagong yugto ng kontrobersya ang gumulantang sa publiko matapos kumpirmahin ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na posibleng isama bilang mga suspek sina negosyanteng si Atong Ang at aktres na si Gretchen Barretto sa kaso ng mga nawawalang sabungero.

Source: Facebook
Sa isang ambush interview nitong Huwebes, Hulyo 3, sinabi ni Remulla na dahil pinangalanan na sila ng self-proclaimed whistleblower na si Julie Patidongan, hindi maiiwasang isama sila sa imbestigasyon.
“Mapapasama sila, eh kasi nga pinangalanan sila, we have to include them as suspects,” aniya.
Ang sabungero case ay isa sa mga pinaka-nakatutok na kaso sa bansa simula 2021, matapos mawala ang ilang kalalakihang sangkot sa e-sabong. Sa panibagong rebelasyon, inakusahan ni Patidongan sina Ang at tatlong iba pa bilang mga utak sa likod ng pagkawala. Inugnay rin niya si Barretto, at sinabing madalas itong nakikitang kasama ni Ang.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Hindi naman nagpatinag si Atong Ang, na nagsagawa ng press conference sa Mandaluyong nitong Hulyo 3. Ayon sa kanya, ang lahat ng ito ay may kinalaman lamang sa pera. Tinukoy niyang si Patidongan at dating empleyado na si Alan Batiles ay nagtangka umanong mangikil ng ₱300 milyon sa kanya.
“Ang puno’t dulo nito, pera. Lahat ng grupo namin tinatawagan nila, eh,” saad ni Ang.
Samantala, iginiit ng kanyang abogado, si Atty. Lorna Kapunan, na walang kredibilidad si Patidongan. Giit niya, “So tignan natin, credible ba ang whistleblower na ito?... Ang objective po natin ay tulungan natin na lumabas ang katotohanan.”
Nagpasaklolo rin si Ang sa korte at naghain ng kasong kriminal laban kina Patidongan at Batiles sa ilalim ng Revised Penal Code sa Mandaluyong City Prosecutor’s Office.
Si Atong Ang ay isang kilalang negosyante na matagal nang konektado sa iba’t ibang negosyo, kabilang ang sabong at gaming operations. Si Gretchen Barretto naman ay isang kilalang aktres at dating socialite na madalas nalilink kay Ang dahil sa kanilang malapit na relasyon. Bagama’t matagal nang semi-retired si Barretto sa showbiz, nananatili siyang visible sa publiko sa pamamagitan ng mga charitable works at social events.
Sa panayam ng KAMI noong Hulyo 3, mariing itinanggi ni Atong Ang ang pagkakasangkot niya sa pagkawala ng mga sabungero. Ayon sa kanya, tinuring niyang parang anak si Patidongan at inihalintulad ang sitwasyon sa isang pagtataksil. “Pinatira ko pa sa bahay ko 'yan,” dagdag pa niya. Aniya, ang lahat ng ito ay pagsisikap ni Patidongan at Batiles upang siraan siya at makakuha ng pera.
Sa isang ulat ng KAMI, hinimok ni Patidongan na magsalita na si Gretchen Barretto at suportahan ang imbestigasyon bilang potensyal na saksi. Ayon sa kanya, si Barretto ay may nalalaman umano sa likod ng pagkawala ng sabungeros. Naniniwala siyang malaking tulong si Barretto upang mailantad ang katotohanan sa kaso.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh