Freddie Aguilar, tinupad ang pangako sa asawang si Jovie hanggang sa huling sandali
- Patuloy na nagbabahagi ng mga litrato at video si Jovie Albao sa Facebook upang alalahanin ang kanyang asawang si Freddie Aguilar, na sumakabilang-buhay kamakailan
- Isang touching video clip ang pinost ni Jovie kung saan makikitang sweet ang sandali nila ni Ka Freddie habang buhay pa ito, kalakip ang isang tula ng pangungulila at pag-ibig
- Ayon kay Jovie, tinupad ni Ka Freddie ang kanyang pangako noong buhay pa ito na siya lamang ang nais makasama hanggang sa huling hininga
- Sa isa pang post, emosyonal niyang inamin na hirap pa rin siyang makatulog at mas gugustuhin na si Freddie na lamang ang dumalaw sa kanya kaysa sa antok
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Sa kabila ng paglisan ng OPM legend na si Freddie Aguilar, hindi matatawaran ang pagmamahal na iniwan niya sa kanyang asawang si Jovie Albao. Sa sunod-sunod na emosyonal na Facebook posts ni Jovie, ramdam ng publiko ang lalim ng kanyang pangungulila at ang matibay nilang pagsasama ni Ka Freddie hanggang sa huling sandali nito.

Source: Facebook
Sa kanyang pinakabagong post, ibinahagi ni Jovie ang isang short video clip kung saan makikita ang masayang sandali nila ng namayapang singer. Sa caption, isinama niya ang isang tula ng paggunita:
“I thought of you with love today but that is nothing new... God has you in His keeping. I have you in my heart.”
Isang malalim at masidhing damdamin ang bumalot sa kanyang mensahe—isang alaala ng isang pagmamahalang hindi matitinag ng kamatayan.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Bukod dito, ibinahagi rin ni Jovie ang isang matinding emosyon sa kanyang hiwalay na post. Ayon sa kanya, natupad ni Freddie ang sinabi nitong siya ang nais nitong makasama hanggang sa huling hininga.
“Tinotoo mo masyado yung sinabi mong ako na yung gusto mong makasama hanggang mamatay ka,” ani Jovie, sabay tawag sa kanyang yumaong asawa ng palayaw na “bhabe.”
Sa isa pang nakaaantig na post, inamin niyang hirap pa rin siyang makatulog mula nang mawala ang kanyang kabiyak. Ang caption niya sa isang larawan nila ni Ka Freddie:
“Hindi na naman ako dalawin ng antok, ikaw na lang ang dumalaw saken.”
Isang simpleng kataga, ngunit tagos sa puso ang mensahe nito ng kawalang-katulugan at matinding pangungulila.
Si Freddie Aguilar ay isa sa pinakarespetado at tanyag na singer-songwriter sa kasaysayan ng OPM. Siya ang nasa likod ng mga awiting may malalim na temang panlipunan tulad ng “Anak,” “Estudyante Blues,” at “Magdalena.” Kilala siya hindi lamang sa kanyang musika kundi sa kanyang matatag na paninindigan at mga opinyon ukol sa mga isyung kinakaharap ng bansa. Ang pagmamahalan nila ni Jovie, bagama’t naging kontrobersyal noong una, ay napatunayang totoo at matibay sa paglipas ng panahon.
Isa sa mga anak ni Ka Freddie ang naglabas ng damdamin sa social media matapos ang pagpanaw ng ama. Ibinahagi nito kung paanong naiwan ang kanilang pamilya na may matinding lungkot at pagkasabik sa presensya ng OPM icon. Aniya, hindi matutumbasan ng anuman ang sakit ng pagkawala ng isang ama.
Sa libing ni Ka Freddie, nagbigay ng taos-pusong mensahe si Jovie Albao para sa kanyang yumaong asawa. Ayon sa kanya, ang mga araw na lumipas simula ng pumanaw si Freddie ay puno ng katahimikan ngunit walang kapantay na lungkot. Nangako siya na mananatiling bhay sa kanyang puso ang alaala ng pinakamamahal niyang kabiyak.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh