Kyline Alcantara, nais manahimik bilang respeto sa mga taong naging bahagi ng buhay niya

Kyline Alcantara, nais manahimik bilang respeto sa mga taong naging bahagi ng buhay niya

-Naglabas ng opisyal na pahayag ang Sparkle GMA Artist Center ukol sa breakup nina Kyline Alcantara at Kobe Paras

-Ayon sa statement, pinili ni Kyline na panatilihin ang kanyang kapayapaan at respeto sa mga taong naging bahagi ng kanyang buhay

-Ang pahayag ay kasunod ng mga akusasyon ni Jackie Forster laban kay Kyline

-Hiling ni Kyline na tapusin na ang isyu at magpatuloy na ang lahat

Narito na ang paghahanap sa KAMI! Basahin ang mga balita tungkol sa iyong paboritong mga bituin sa pamamagitan lamang ng pag-type ng kanilang pangalan sa search bar!

Sa gitna ng mga kontrobersiya at espekulasyon, pinili ni Kyline Alcantara na manahimik at magpatuloy sa kanyang buhay matapos ang hiwalayan nila ni Kobe Paras. Sa isang opisyal na pahayag mula sa Sparkle GMA Artist Center, sinabi ng aktres na nais na niyang isara ang isyu at panatilihin ang respeto sa mga taong naging bahagi ng kanyang buhay.​

Kyline Alcantara, nais manahimik bilang respeto sa mga taong naging bahagi ng buhay niya
Kyline Alcantara, nais manahimik bilang respeto sa mga taong naging bahagi ng buhay niya (📷@itskylinealcantara/Instagram)
Source: Instagram

"Kyline would like to move on with this issue. She has chosen to keep her peace and maintain the respect for the people who have been part of her life. She hopes we can all move on and put this issue to rest," ayon sa pahayag ng Sparkle GMA Artist Center.

Ang pahayag na ito ay inilabas kasunod ng mga akusasyon ni Jackie Forster, ina ni Kobe, na nagsabing si Kyline ay "naglaro" sa mental health ng kanyang anak at may mga insidente ng pisikal na pananakit. Ayon kay Jackie, nagsimulang lumamig ang relasyon ng dalawa matapos ang kanilang paglalakbay sa Amerika noong Enero 2025, kung saan ipinakilala ni Kobe si Kyline sa kanyang pamilya. ​

Bagamat hindi diretsahang tumugon si Kyline sa mga isyu, nagbigay siya ng positibong update sa kanyang Instagram. Sa kanyang IG story, ibinahagi ng aktres ang pasasalamat sa 4.9 million followers na patuloy na sumusuporta sa kanya. Isang simpleng pagbati at celebratory post ang isinapubliko ng aktres, na tila simbolo ng pagpili niya sa katahimikan sa kabila ng kontrobersya. ​

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Samantala, ang mga malalapit kay Kyline ay dumepensa laban sa mga paratang ni Jackie. Si Zamantha, kasintahan ng kapatid ni Kyline na si Robin, ay nagsabing "misleading and untrue" ang mga pahayag ni Jackie. Ayon kay Zamantha, "Kyline is not, and has never been, manipulative or abusive. She has been nothing but supportive toward Kobe."

Si Trisha Villanueva, kaibigan ni Kyline, ay tinawag na "big words" ang akusasyon ng pisikal na pananakit, at binanggit na mas malaki si Kobe kumpara kay Kyline. "PHYSICALLY ASSAULTED him?? Big words lol, have you forgotten how tall and big your son is?! Kai literally looks like a baby hamster beside Kobe," aniya.

Si Kyline Alcantara ay isang kilalang aktres, singer, at content creator sa Pilipinas. Unang sumikat si Kyline sa kanyang mga pagganap sa mga teleserye ng GMA Network, lalo na sa breakout role niya sa “Kambal Karibal,” kung saan pinabilib niya ang publiko sa kanyang husay sa pag-arte.

Sa kabila ng kanyang murang edad, ipinamalas ni Kyline ang dedikasyon at propesyonalismo sa industriya ng showbiz. Hindi lamang siya kilala bilang isang aktres, kundi pinupuri rin ng kanyang mga fans sa pagiging grounded, mature, at positibo sa kabila ng mga pagsubok sa kanyang personal na buhay.

Bukod sa telebisyon, aktibo rin siya sa larangan ng musika at digital content creation. Sa patuloy na pagsuporta ng kanyang mga tagahanga at ng Sparkle GMA Artist Center, tuloy-tuloy ang pag-angat ng kanyang karera bilang isa sa mga pangunahing artista ng GMA Network.

Si Kyline Alcantara ay isang kilalang aktres at singer sa Pilipinas. Una siyang nakilala bilang child actress at lumaki sa harap ng kamera. Nakilala siya sa kanyang mga papel sa mga teleserye tulad ng "Kambal, Karibal" at "Bilangin ang Bituin sa Langit." Bukod sa pag-arte, aktibo rin siya sa musika at social media, kung saan may milyon-milyong followers siya.

Matapos ang kontrobersyang kinasasangkutan, nagbahagi si Kyline ng bagong video post na agad umani ng atensyon online. Sa naturang video, makikita siyang simple ngunit classy ang dating habang nakasuot ng all-black outfit. Marami ang humanga sa kanyang composure at ganda sa gitna ng intriga.

Dumepensa si Trisha Villanueva, kaibigan ni Kyline, sa pamamagitan ng social media post laban sa mga alegasyon kinausap ni Kyline ang ibang lalaki habang may relasyon pa kay Kobe. Ayon kay Trisha, kilala ni Kobe ang taong iyon at wala umanong mali sa naging pakikipag-ugnayan ni Kyline. Tinawag niya ang mga paratang na pawang projection lamang ng sariling guilt.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate