Vanessa Raval, umalma sa isang rapper na umano'y di siya tinitigilan sa chat

Vanessa Raval, umalma sa isang rapper na umano'y di siya tinitigilan sa chat

- Inalmahan ni Vanessa Raval ang isang rapper na umano ay hindi siya tinitigilan sa chat

- Hindi na nito pinangalanan kung sino ang rapper na kanyang tinutukoy ngunit aniya ay nababatikos na ito sa umano'y pambababae niya

- Nabanggit niya rin na mahilig ito sa malaman ngunit aniya ay huwag na siya dahil maganda ang lahi ng kanyang ama

- Si Vanessa ay kapatid ni AJ Raval at ang kanyang ama ay ang dating matinee idol at action star na si Jeric Raval

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinalagan ni Vanessa Raval ang isang rapper na aniya ay hindi siya tinitigilan sa chat. Hindi na nito nilabas ang pangalan ng tinutukoy na rapper ngunit matindi ang kanyang naging pahayag.

Vanessa Raval, umalma sa isang rapper na umano'y di siya tinitigilan sa chat
Vanessa Raval, umalma sa isang rapper na umano'y di siya tinitigilan sa chat (facebook.com/VanessaRavalOfficialPage)
Source: Facebook

Sa kanyang Facebook post, nabanggit niya rin na mahilig ito sa malaman ngunit aniya ay huwag na siya dahil maganda ang lahi ng kanyang ama.

Read also

Wil Dasovich, binahagi ang kanyang tunay na nararamdaman: "Im not sad"

Isang rapper Ang Ayaw ako tigilan sa chat. Na babash kana sa pambababae mo Wala ka parin dala? Mahilig ka talaga sa malaman no? Wag ako, e ano kung sikat ka? Maganda lahi ng tatay ko wag Mong dungisan.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Vanessa Raval, umalma sa isang rapper na umano'y di siya tinitigilan sa chat
Vanessa Raval, umalma sa isang rapper na umano'y di siya tinitigilan sa chat (facebook.com/VanessaRavalOfficialPage)
Source: Facebook

Sa comments section ng kanyang post ay sinabi ni Vanessa na ayaw niya nang banggitin ang pangalan dahil aniya ay mahirap na.

Si Vanessa Raval ay anak ng datin action star na si Jeric Raval. Kahit hindi pa siya pumapasok sa mundo ng showbiz, nakilala siya sa pagiging isang TikToker at may libo-libong followers na rin sa kanyang ibang social media account. Kapatid niya ang maituturing na isa sa pinakapinag-uusapang aktres sa kasalukuyan, si AJ Raval.

Matatandaang kamakailan ay tahasang sinabi ni Cristy Fermin na buntis na nga si AJ. Tinukoy niyang si Aljur ang ama ng kanyang pinagbubuntis. Ayon pa kay Manay Cristy, pinanghihinayangan umano niya ang maagang pagbubuntis ni AJ.

Read also

Wil Dasovich, kinuwento ang reaksiyon nina Erwan at Nico Bolzico nang magkita sila

Sinabi naman ni AJ na hindi umano totoong buntis siya kagaya sa mga lumabas na bali-balita. Hindi umano totoong may hindi siya natapos na pelikula dahil sa napapabalitang pagdadalantao niya. Ang dahilan umano ng kanyang pagtigil ay nagpositibo umano siya sa COVID kagaya ng iba nilang kasamahan sa naturang pelikula. Samantala, wala pa ring nilalabas na pahayag si Aljur kaugnay sa lumabas na isyu.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel