Karen Davila, pinaglaro ni Alodia Gosiengfiao ng video game na "Call of Duty: Warzone"

Karen Davila, pinaglaro ni Alodia Gosiengfiao ng video game na "Call of Duty: Warzone"

- Sa kanyang bagong video na ibinahagi sa kanyang YouTube channel, nakapanayam ni Karen Davila si Alodia Gosiengfiao

- Pinakita ni Alodia ang opisina ng kanilang kompanyang Tier 1 Entertainment habang binabahagi niya ang ilang bagay patungkol sa streaming at gaming

- Hindi din pinalampas ni Karen na matuto at masubukan ang maglaro habang nag-stream

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

- Pinaglaro siya ni Alodia ng video game na Call of Duty: Warzone at marami ang naaliw sa kanyang naging reaksiyon

Para sa kanyang panibagong video, nakapanayam ni Karen Davila ang nobya ng kanyang pamangking si Wil Dasovich. Pinakita ni Alodia Gosiengfiao ang opisina ng kanilang kompanyang Tier 1 Entertainment habang binabahagi niya ang ilang bagay patungkol sa streaming at gaming.

Karen Davila, pinaglaro ni Alodia ng video game na "Call of Duty: Warzone"
Karen Davila, (@iamkarendavila)
Source: Instagram

Nakausap din ni Karen ang ilan sa miyembro ng esports team na Blacklist International. Kahit mga bata pa lang ang mga ito ay kumikita na sila sa gaming na anila ay nagpabago sa kanilang buhay.

Read also

DonEkla, nawindang sa bundle-bundle na perang nakita sa bag-raid kay Sir Wil

Kabilang din sa naitanong sa kanya ni Karen ay tungkol sa kanilang relasyon ni Wil. Si Wil ay anak ng pinsan ni Karen na si Charry Dasovich.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi din pinalampas ni Karen na matuto at masubukan ang maglaro habang nag-stream. Pinaglaro siya ni Alodia ng video game na Call of Duty: Warzone at marami ang naaliw sa kanyang naging reaksiyon.

Si Karen Davila ay isang multi-awarded broadcast journalist na ginawadan ng parangal na TOYM (The Outstanding Young Men) Awards for Broadcasting noong 2008 at TOWNS (The Outstanding Women in the Nation’s Service) Award for Broadcasting noong 2013.

Nagsimula siya sa kanyang career bilang investigative journalist at paggawa ng mga dokyumentaryo kung saan nanalo siya ng UNICEF Child Rights Award para sa kanyang dokyumentaryong Children in Jail.

Read also

Dream house nina Wil Dasovich at Alodia Gosiengfiao, dinisenyo ni Oliver Austria

Matatandaang umani ng espikulasyon ang pagsagot ni Karen ng isang online survey ng GMA network sa social media.

Hindi pinalagpas ng news anchor ang malisyosong paghingi ng opinyon ng isang netizen kaugnay sa kontrobersiyang kinasangkutan ni Angel Locsin kamakailan.

PAALALA: Ang anumang mapanirang komento ay maaring makapahamak. Ang karapatan sa malayang pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay hindi nangangahulugang malayo tayong magbitiw ng mga masasakit at mapanirang mga salita. Laging isaisip, "Think before you click."

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel