Malia O'Brian, kinaaliwan sa reaksiyon nito nang alukin ni Pokwang ng balut

Malia O'Brian, kinaaliwan sa reaksiyon nito nang alukin ni Pokwang ng balut

- Isang video ang ibinahagi ni Pokwang kung saan inalok niya ng balut ang anak na si Malia O'Brian

- Ilang beses ding tinanggihan ni Malia ang alok ng ina na tikman ang balut at tila nandidiri pa ito

- Nang malapitang pinakita ni Pokwang ang laman ng balut, natawa na lamang ang komedyante sa sinabi ng anak

- Hindi pa rin nito tinikman ang balut ngunit sinabi niyang "cute" daw ang duck sa loob ng balut

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naihabagi ni Pokwang ang isang maiksing video kung saan kumakain siya ng balut. Sinusubukan niya ring alukin ang anak na si Malia o kashit tikman lang nito ang balut. Gayunpaman, ilang beses ding umayaw si Malia.

Malia O'Brian, kinaaliwan sa reaksiyon nito nang alukin ni Pokwang ng balut
Pokwang (@itspokwang27)
Source: Instagram

Nang malapitang pinakita ni Pokwang ang laman ng balut, natawa na lamang ang komedyante sa sinabi ng anak. Hindi pa rin nito tinikman ang balut ngunit sinabi niyang "cute" daw ang duck sa loob ng balut.

Read also

"Mang Boy," pina-Tulfo ng mga kapitbahay niyang nakaalitan

Ani Pokwang, kumakain si Malia ng mga gulay ngunit ayaw daw talaga niya ng balut. Gayunpaman, umaasa siyang magugustuhan din ni Malia ang balut.

kakain sya ng saluyot, okra, ampalaya, malunggay pero wag lang talaga balut hahahhahaa naku anak @malia_obrian pasasaan bat magugustuhan mo din yan

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, marami ang naaliw sa video na ito ni Malia:

Grabe yung expression nya sa balut. Eewww hahha
Hahaha! Na awa sa duck! It’s too cute to eat Mummy Pokwang
Penoy na muna daw sia. Naawa sia sa cute duck.

Si Pokwang o Marietta Subong o sa totoong buhay ay isang Pinay na komedyante, TV host, singer,at endorser. Kabilang sa mga show kung saan siya naing host ay Wowowee, Pilipinas Win na Win at Happy Yipee Yehey.

Read also

Pokwang, inalala ang namayapang anak: "'Di ako nakauwi pero ang sama-sama ng loob ko"

Ang kanyang kasalukuyang karelasyon ay ang Amerikanong si Lee O'Brian. Matatandaang nabuntis si Pokwang ngunit sa nakunan siya noong Agosto ng parehong taon. Ipinanganak niya si Francine Malia O'Brian sa Antipolo City noong January 18, 2018.

Madalas na ibahagi ni Pokwang ang nakakaaliw na video ng anak na si Malia sa kanyang Instgram account. Kamakailan ay maraming bumilib sa pagiging magana nito sa pagkain ng gulay.

Maging ang video kung saan naglilinis ito ng kanilang garden ay patok na patok sa mga netizens.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel