Willie Revillame, minabuting huwag nang tumuloy sa pagtakbo sa politika

Willie Revillame, minabuting huwag nang tumuloy sa pagtakbo sa politika

- Pormal nang inanunsiyo ni Willie Revillame na hindi na siya sasabak sa mundo ng politika

- Matagal na panahon niya umanong pinag-isipan ang kanyang desisyon at napagtanto niyang hindi niya gustong pasukin ang bagay na wala siyang sapat na kaalaman

- Ayaw niya umanong dumating ang oras na baka masyang lamang ang boto ng mga tao sa kanya dahil wala siyang nagawa at naiambag

- Umanio ng mga papuri ang TV host dahil sa dami ng mga artistang naghayag ng kanilang intensiyon na tumakbo ay pinili nitong huwag nang tumuloy kahit pa malaki ang kanyang potensiyal na manalo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Marami ang bumilib sa naging desisyon ni Willie Revillame kaugnay sa pagpasok niya sa mundo ng politika. Matagal nang naging matunog ang pangalan niya sa mga kakandidato para sa pagka senador.

Read also

Mura Padua, dinagsa ng kanyang mga fans sa kanilang bahay

Willie Revillame, minabuting huwag nang tumuloy sa pagtakbo sa politika
Meryll Soriano at Willie Revillame (@planetumeboshi)
Source: Instagram

Kaya naman, isang araw bago ang deadline ng pag-file ng certificate of candidacy, pinabilib ni Kuya Will ang publiko sa kanyang pahayag kung bakit napagpasyahan nang huwag tumakbo.

"Baka dumating yung time na sayang lang yung boto niyo sa akin, na wala akong nagagawa. Wala rin akong naiiambag na knowledge about the law."

Ginawa niya ang nasabing anunsiyo sa mismong programa niyang Wowowin.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kilala si Willie Revillame bilang isa sa pinakamayayamang artista. Kilala bilang game show host. Ilan sa mga sumikat niyang shows ay Willingly Yours, Masayang Tanghali Bayan, Wowowee, Willing Willie, Wil Time Bigtime , at Wowowillie. Pinasok din niya ang pagrerecord ng mga awitin.

Dahil sa tema ng kanyang mga TV show, naging takbuhan siya ng maraming nangangailangan ng tulong lalo na tungkol sa pinansiyal. Kamakailan, ibinenta niya ang mamahalin niyang sasakyan upang makalikom ng perang ibabahagi niya sa mga taong apektado ng pananalanta ng bagyo.

Read also

Isko Moreno, patuloy ang umano'y patutsada sa politika: "Forward, not backward"

Nagbigay din siya ng tulong sa Mayor na Marikina at personal niya itong iniabot. Nagpapasalamat umano siya na sa kabila ng mga dumaang kalamidad ay ligtas siya.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Walang mali sa hindi pagsang-ayon sa ibang opinyon, walang mali sa pagpapahayag ng opinyon ukol sa isang paksa, at walang mali sa paglaban ng iyong paniniwala ngunit nawa ay iwasan ang dagliang pangungutya at mapanirang pahayag. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate