Kapatid ni Mahal na si Jason Teroreo, ibinahagi ang pagdapo ng paru-paro sa kanya

Kapatid ni Mahal na si Jason Teroreo, ibinahagi ang pagdapo ng paru-paro sa kanya

- Ibinahagi ni Jason Tesorero ang isang video ng kanilang pagdalaw sa puntod ng kapatid nilang si Mahal Tesorero at ng kanilang ama

- Ibinahagi niya ito isang araw bago ang ika-40 days ng pagpanaw ng komedyanteng si Mahal

- Agaw-pansin din ang isang kayumangging paru-paro na dumapo sa bandang balikat

- Matatandaang ikinalungkot ng marami ang biglaang pagpanaw ni Mahal noong August 31 ng kasalukuyang taon

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Sa pagkawala ni Mahal Tesorero, ang kanyang kapatid na si Jason Tesorero ay gumawa na rin ng kanyang sariling YouTube channel kung saan layunin umano niyang ipagpatuloy ang pagiging matulungin ng kanyang kapatid noong nabubuhay pa ito.

Sa kanyang YouTube channel, ibinahagi ni Jason Tesorero ang isang maiksing video kung saan dumalaw sila sa himlayan ng kanyang kapatid na si Mahal at ng kanilang ama na mgkasabay lamang nilang nilibing.

Read also

Jeric Raval, naalibadbaran sa suot niyang bra, stiletto at leggings sa bagong pelikula

Kapatid ni Mahal na si Jason Teroreo, ibinahagi ang pagdapo ng paru-paro sa kanya
Mahal Tesorero (@mahal.tesorero)
Source: Instagram

Ibinahagi niya ito isang araw bago ang ika-40 days ng pagpanaw ng komedyanteng si Mahal. Agaw-pansin din ang isang kayumangging paru-paro na dumapo sa bandang balikat. Matatandaang ikinalungkot ng marami ang biglaang pagpanaw ni Mahal noong August 31 ng kasalukuyang taon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindinaman mapigilan ng mga tagahanga ni Mahal na malungkot:

Maraming salamat sa pagbibigay mo ng saya sa aming mga suporters nyo..hinding hindi ka namin makakalimutan
You are gone mahal but your memories are still in our heart..thank you for making us always happy sa mga videos mo naaliw kami DTO sa ibang bansa.paulit ulit nmin pinapanood mga un mga masasayang alala mo na iniwan mo..salamat mahal.nmimis ka nmin
Nakakaiyak naman sobrang nakakamis si Mahal. Maraming salamat sayo Mahal pahinga kana we love you

Si Mahal na isinilang bilang si Noemi Tesorero ay sumikat sa mundo ng komedya. Kabilang sa kanyang mga nagawang pelikula ay Id'Nal (Mapusok) (2012), Kokey (1997) at Mr. Suave: Hoy! Hoy! Hoy! Hoy! Hoy! Hoy! (2003).

Read also

Candy Pangilinan, humingi ng dispensa matapos i-congratulate si Alex Gonzaga sa post nito

Muling naging maingay ang pangalan ng komedyante matapos mapansin ng mga netizens ang kanyang mga videos kasama si Mygz Molino.

Ibinahagi niya rin ang kanyang simpleng buhay ngayong hindi na ganoon ka aktibo ang kanyang showbiz career.

PAALALA: Ang anumang mapanirang komento ay maaring makapahamak. Ang karapatan sa malayang pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay hindi nangangahulugang malayo tayong magbitiw ng mga masasakit at mapanirang mga salita. Laging isaisip, "Think before you click."

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel