Betong, nagulat at naiyak nang pakyawin ni Alden Richards ang kanyang paninda online

Betong, nagulat at naiyak nang pakyawin ni Alden Richards ang kanyang paninda online

- Hindi napigilan ng komedyanteng si Betong na maiyak matapos na pakyawin ni Alden Richards ang mga paninda niya

- Nasa live-selling noon si Betong nang mabasa niya ang komento ni "RJ Richards"

- Nang makilala niyang si "RJ Richards" ay si "Alden Richards," nagulat si Betong

- Ngunit mas lalo siyang nagulat nang sabihin nitong papakyawin na ni Alden ang lahat ng paninda niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Talagang naiyak ang komedyanteng si Betong nang malamang papakyawin na ni Alden Richards ang kanyang mga paninda.

Nalaman ng KAMI na nasa live selling si Betong nang biglang magtanong ang isang "RJ Richards" kung magkano ang lahat ng paninda ng komedyante.

Ang RJ Richards ay Twitter name umano ng Kapuso actor na si Alden Richards.

Betong, nagulat at naiyak nang pakyawin ni Alden Richards ang kanyang paninda online
Alden Richards (@aldenrichards02)
Source: Instagram

"Magkano lahat ang binebenta mo dyan, Bes?" tanong ni Alden na labis namang ikinagulat ni Betong.

Read also

Wilbert Tolentino, niregaluhan ng house and lot si Madam Inutz: "88 square meter yun ah"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Siya yun! Ay, si Alden nga talaga ito. My God, Alden! Grabe naman 'to!” ang nasabi ni Betong na hindi makapaniwalang si Alden ang nais pumakyaw ng kanyang mga itinitinda.

Ipinakwenta agad ng Kapuso actor ang mga produkto ni Betong. At hindi nagtagal, nabayaran na rin niya agad ito.

Doon, lalong naging emosyonal at talagang naluha si Betong sa kabaitang ipinakita ng kaibigan.

“Good friends are like stars. You don’t always see them, but you know they’re always there. Parang ikaw lang kuya @aldenrichards02 kay mr. Betong! Happy Sunday po and God bless you!” ang pasasalamat ni Betong kay Alden

Maging ang mga netizens ay lalong humanga sa kabutihan ng puso ng Eat Bulaga host. Narito ang ilan sa kanilang mga komento.

Read also

Basel Manadil, binigyan ng trabaho ang magkapatid na nais ipagamot ang ina

"Mabait,matulungin,mapagmahal sa kaibigan lalo sa pamilya.Ngayon pinakita niya kay Betong na he will always be there to help not only his family, but also his friends and even his fans. God bless you Alden Richards"
"Naiiyak din ako. napaka-generous talaga ni RFJr. at malamang yung binili niya kay betong, ibibigay rin niya sa iba"
"Diyan mo mapapatunayan Betong kung sino ang tunay mong kaibigan hindi yong after lang sa kasikatan. Aldub you more Alden."
"Alden is a nice guy inside and out. Maswerte ang makakasama nito habang buhay. Sa pamilya at kaibigan napakabait talaga"

Narito ang kabuuan ng video na niabahagi rin ng netizen na si @grandlenz022

Si Richard Reyes Faulkerson Jr., o mas kilala bilang si Alden Richards ay isang Filipino actor, product endorser, ambassador, entrepreneur, at recording artist.

Mas nakilala si Alden nang maging kapareha niya si Maine Mendoza at naging instant love team na "AlDub' ng Eat Bulaga.

Read also

RR Enriquez, ibinida ang natural na kagandahan ni Pau Fajardo na aniya'y ikinamangha niya

Pinakaabangan ang kanilang 'Kalyeserye' sa noontime show hanggang sa kanilang pagkikita noong July 16, 2015 na ginanap pa sa Philippine Arena.

Ngayon, pinakaabangan ang sinasabing pagtatambal nina Alden at pinakabagong Kapuso Star na si Bea Alonzo.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel