Bianca Gonzalez, nanindigan sa kabila ng isyu sa naging panayam kamakailan ni Toni Gonzaga
- Matapos siyang putaktihin ng mga netizens sa kanyang pananahimik kaugnay sa kontrobersiyal na panayam ni Toni Gonzaga kay Bongbong Marcos, nilinaw ni Bianca Gonzalez ang kanyang panig
- Aniya, walang nagbabago sa kanyang paniniwala kaugnay sa dating pangulong Marcos at pinananindigan niya umano ito
- Pagdating naman sa isyu ng kanyang kaibigan, minabuti niya umanong kausapin ng pribado ito
- Naniniwala siyang bilang isang kaibigan ay nararapat lang na pribado niyang kausapin si Toni kaugnay sa isyu
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Naging mainit na usapin kamakailan ang naging reaksiyon ng publiko sa panyam ni Toni Gonzaga kay Bongbong Marcos. Bilang malapit na kaibigan ni Toni minabuti ni Bianca Gonzalez na linawin ang kanyang panig.
Aniya, nakausap niya na ang kanyang kaibigan sa pamamagitan ng pribadong mensahe. Gayunpaman, wala umanong pagbabago sa kanyang paniniwala at paninindigan kaugnay sa dating pangulo ng bansa.
Many of you have been tagging me. My stand has always, ever since, been very public: #NeverForget and #NeverAgain. I might have even seen some of you out at the rallies. I've gotten messages asking, "Bakit tahimik ka sa issue??' As a friend, I choose to reach out privately and dialogue respectfully, instead of 'call out' publicly. Because for me, that is what a true friend would do. Even family and friends can have different views. My friends know that my stand has always been #MarcosNotAHero, and I will continue to be vocal and share my stand.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Bianca Gonzalez ay nakilala bilang isang TV host. Naging bahagi rin siya ng Pinoy Big Brother: Celebrity Edition kung saan naging 3rd place siya. Bukod sa pag-host sa Y Speak, naging host din siya ng Pinoy Big Brother Teen Edition UpLate .
Kamakailan ay ibinahagi niya ang kanyang paghanga sa pinakitang paninindigan nina Liza Soberano at Julia Barretto na nagsampa ng reklamo. Si Liza, laban sa isang netizen na nagpahayag ng isang biro na maituturing nang banta sa kaligtasan niya.
Si Julia naman ay nagsampa ng reklamo laban sa broadcaster na si Jay Sonza sa pagpapalabas nito ng maling impormasyan tungkol sa kanya.
Inalmahan ni Bianca ang naranasang skin shaming matapos niyang ibahagi ang isang litrato niya.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Walang mali sa hindi pagsang-ayon sa ibang opinyon, walang mali sa pagpapahayag ng opinyon ukol sa isang paksa, at walang mali sa paglaban ng iyong paniniwala ngunit nawa ay iwasan ang dagliang pagpapalagay na ang pangungutya at mapanirang pahayag. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Source: KAMI.com.gh