Lyca Gairanod at kanyang ina, nagpabilib sa kanilang husay sa pagkanta

Lyca Gairanod at kanyang ina, nagpabilib sa kanilang husay sa pagkanta

- Marami ang humanga sa husay ng ina ni Lyca Gairanod matapos niyang isama ito sa isang video na kanyang ibinahagi sa social media

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

- Kagaya ni Lyca, magaling din bumirit ang kanyang ina at kinanta nila ang awiting Natatawa Ako na pinasikat ng mang-aawit na si Gabriela

- Umani ng mga reaksiyon ang video na ito ng mag-ina at umani din ng papuri ang kanilang husay sa pagkanta

- Si Lyca ay unang nakilala nang tanghalin siyang kampiyon sa 'The Voice Kids Season 1'

Marami ang bumilib sa husay sa pag-awit ni Lyca Gairanod at ng kanyang ina na kanyang ibinahagi sa YouTube kung saan kinanta nila ang awiting pinasikat ni Gariela na Natatawa Ako.

Lyca Gairanod at kanyang ina, nagpabilib sa kanilang husay sa pagkanta
Lyca Gairanod (@lycagairanod.1)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Amy Perez, sa kanyang isang buwang pamamahinga: "Nauubos na pala ako"

Hindi nagpatalo sa biritan ang ina niya na ikinamangha ng mga netizens dahil anila ay may pinagmanahan si Lyca.

Wow! Magaling din si mother kumanta, effortless ang peg niya sa mga high pitch, yay! Kudos, Team Gairanod!
Ang galing. Narinig ko siya dati when shes still a kid ung contest sa tv. Ngayon grown up na at gumanda lalo ang boses. Keep it up girl.
Wow! Nabitin ako ang ganda ng boses ni Mother sana sa sunod mas marami na kantahin ni mommy God bless po sa buong Family mo Lyka

Si Lyca Gairanod ay unang sumikat sa social media matapos kumalat ang video niya na kumakanta. Siya ang tinanghal na kampiyon sa The Voice Kids Season 1.

Hindi lingid sa marami ang kwento ng buhay ni Lyca. Nagmula siya sa mahirap na pamilya ngunit unti-unti niyang nabigyan ng katuparan ang mga pangarap nila sa pamamagitan ng kanyang talento.

Read also

Ivana Alawi, super love ang pamangkin na si Gabriel na "Mamita" ang tawag sa kanya

Bago pa man siya sumikat ay nagviral na sa social media ang kanyang pag-awit noong siya ay maliit pa lamang. Matatandaang lumikha ng ingay ang kanyang YouTube vlog kung saan pinakita niya ang kanilang dating bahay noong hindi pa siya nagkakaroon ng mas magandang buhay. Ang kanyang lola ang nakatira sa dati nilang bahay.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate