Lola, nanawagan sa kanyang anak na sana daw ay tulungan siya

Lola, nanawagan sa kanyang anak na sana daw ay tulungan siya

- Isang lola sa Dumangas, Iloilo ang kinaantigan dahil sa kanyang kalunos-lunos na kalagayan

- Ayon sa kanyang kwento mayroon siyang pitong anak at ang isa umano sa mga ito ay sinaktan pa siya noong doon siya nakatira

- Hindi na rin makagalaw ng maayos si lola dahil minsan na itong na-stroke at ganito na ang kalagayan niya

- Hiling niya na sana mabigyan man lamang siya ng higaan na maging komportable ang kanyang pakiramdam kahit papaano

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

16 taong nang nakahiga na lamang ang 61 anyos na si Maria Mina Delapina Fernandez na nakatira sa isang maliit na bahay sa Binao-Bao Tabucan Dumangas Iloilo.

Marami ang naantig sa kwento niya dahil kahit pito ang kanyang anak ay wala siyang nakakasama sa kanyang tinitirhan.

Read also

RR Enriquez, sinabing na-appreciate niya na napapansin ang kanyang pakikisawsaw

Lola, nanawagan sa kanyang anak na sana daw ay tulungan siya
Screenshot from Zarraga News Live Station
Source: Facebook

Isang Facebook live ang ibinahagi ng Zarraga News Live Station, emosyonal na nagbigay ng kanyang mensahe si lola sa kanyang mga anak.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Inihingi niya rin ng pasensiya sa kanyang mga anak kung may nagawa umano siyang mali sa kanila.

Hiling lang ni lola, sana ay mabigyan siya ng kahit higaan lang para maayos ang kanyang paghiga.

Bumuhos naman ang donasyon para kay lola matapos mag-viral ang video ng Zarraga News Live Station.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa kasalukuyang panahon na lahat ng pangyayari ay maaring ibahagi sa social media, naging mas madali para sa netizens ang makakuha ng mga impormasyon at bagong kaalaman.

Kaya naman, hindi nakakapagtaka na mabilis na kumalat ang mga video at balitang kakaiba o hindi pangkaraniwan.

Read also

OFW na walang trabaho noon sa Pinas, sinuwerte sa amo at nagpapatayo na ng bahay

Kamakailan, ilan sa mga nag-viral na video sa social media na talaga namang mainit na pinag-usapan ay ang mainit na sagutan ng isang inang namatayan ng sanggol at ng isang doktor.

Naging usap-usapan din ang isang security guard na hindi napigilang maiyak kaugnay sa kanyang hindi naibigay na sahod.

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Walang mali sa hindi pagsang-ayon sa ibang opinyon, walang mali sa pagpapahayag ng opinyon ukol sa isang paksa, at walang mali sa paglaban ng iyong paniniwala ngunit nawa ay iwasan ang dagliang pagpapalagay na ang pangungutya at mapanirang pahayag. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Source: Kami.com.ph

Online view pixel