15-anyos na Pinay, nilasing, minolestiya at kinunan pa ng video ng 3 lalaki

15-anyos na Pinay, nilasing, minolestiya at kinunan pa ng video ng 3 lalaki

- Sa Solano, Nueva Vizcaya ay nabiktima ang isang dalagita ng tatlong kalalakihan

- Ang babae ay nilasing, minolestiya at kinuhanan pa ng video ng mga suspek

- Sinampahan na ng kaso sila sina Marc Dominic Somera, Aric Kaye Ofquiria, at Ruvenson Salvador

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang 15-anyos na babae sa Solano, Nueva Vizcaya ang biniktima ng tatlong lalaki.

Nalaman ng KAMI na nilasing, minolestiya, at kinuhanan pa ng video ng mga lalaki ang kawawang dalagita.

15-anyos na Pinay, nilasing, minolestiya at kinunan pa ng video ng 3 lalaki

Photo by Christopher Furlong/Getty Images (Not actual photo of the victim)
Source: Getty Images

Ayon sa report ng ABS-CBN News, pupunta dapat ang babae sa boarding house ng kaniyang nobyo pero nakausap at nakasama ang tatlong lalaki habang nakatambay ang mga ito sa isang tricycle.

"Nung andun na sila sa boarding house ng boyfriend niya, dineny siya na girlfriend siya. Then bumalik sila sa bahay ng isang suspek, tapos nag-request 'yung victim natin na ihatid siya sa barangay niya. Ang offer po ng isang suspek, mag-inuman sila bago siya ihatid," sinabi ni PO2 Virly Briones.

Nakumpirma sa pagsusuri na namolestiya nga ang babae.

"Sa medical result po niya is positive po na nagalaw po siya," ayon kay Briones.

Galit na galit ang lola ng dalagita sa sinapit ng apo niya.

"Makulong sila, o kaya mamatay dahil hindi nila karapatan na mabuhay sa ginawa nila sa apo ko," pahayag ng lola.

Sinampahan na ng kaso ang tatlong suspek na sina Marc Dominic Somera, Aric Kaye Ofquiria, at Ruvenson Salvador.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang mga komento ng ilang netizens ukol sa nangyaring krimen:

“Ang sinisisi pa nang mga tao ung Biktima. Haha.. Opinyon ko lng.. Kung ang isang lalake my galang tlga sa babae na kainuman, aalagaan at hindi momolestyahin.. Nsa tao yan.. Wlang ksalanan ang minolestya, ang dpat lng sisihin ay ung mga manyak na walang galang s babae...”

“Being drunk is not an invitation to molest somebody. Daming hipokrito dito.”

“Victim blaming sakit ng mga pinoy.. Kasalanan nanaman ng babae.. e di sana kung walang manyak.. wala sanang marerape..”

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

We wondered... who would likely share their food: fortunate or less fortunate people? Those, who have enough or those who have one last piece? And the results were quite amazing. Check out our videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Man who chose new lover over his family earns online backlash

Man who chose new lover over his family earns online backlash

Man who chose new lover over his family earns online backlash
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel