Richard Gutierrez, sumunod sa kanyang mag-iina sa Switzerland
- Sumunod na rin si Richard Gutierrez sa kanyang mag-iina sa Switzerland
- Sa kanyang ibinahaging post sa Instagram, ibinahagi nito ang litrato nilang mag-asawa na aniya ay "reunited at last"
- Marami naman ang kinilig sa dalawa na kahit may dalawang anak na ay sinusubaybayan pa rin ng marami
- Matatandaang kamakailan ay ibinahagi ni Sarah ang tungkol sa pag-alis nilang mag-iina papuntang Switzerland upang makasama ang kanyang pamilya
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Kinakiligan ang mag-asawang Sarah Lahbatti at Richard Gutierrez matapos ibahagi ng dalawa ang kanilang picture sa muli nilang pagkikita matapos nga maunang pumunta sa Switzerland sina Sarah at ang dalawang anak nilang sina Zion at Kai.
Ibinahagi din ng aktres ang parehas na picture na ibinahagi ni Richard sa kanyang Instagram account.
Narito ang reaksiyon ng ilan sa kanilang mga fans.
AKIT PARANG AKO YUNG NAKAMISS??? I MISS SEEING YOU TOGETHER
yaaaz, giving me a jonaxx's girl vibes. sweet ng mag asawa stay strong forever guy’s GBU both
mapapasana all ka nlng ! kya idol ko to e
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Richard Gutierrez o Richard Kristian Rama Gutierrez ay isang kilalang aktor, environmentalist at modelo. Isa siya sa mga anak ng batikang aktor na si Eddie Gutierrez at Anabel Rama. Ikinasal siya sa aktres na si Sarah Lahbati at nabiyayaan sila ng dalawang anak.
Matatandaang inanunsiyo ng mag-asawa na napagpasyahan nilang i-postpone muna ang engrandeng kasalan bunsod ng pandemic. Gayunpaman, itinuloy nila ang pagpapakasal noong Marso 14, 2020.
Hindi na muna nila itinuloy ang kanilang nakaplanong magarbong kasalan kundi isang simple at intimate wedding na lamang ang nangyari kung saan tanging piling tao lamang ang nakadalo kabilang na ang kani-kanilang pamilya.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh