Sheryl Cruz, ibinahagi ang video nila ni Jeric Gonzales; pinakilig ang mga fans

Sheryl Cruz, ibinahagi ang video nila ni Jeric Gonzales; pinakilig ang mga fans

- Marami ang napatanong kung tanda ba ng pag-amin ng kanilang relasyon ang ibinahaging video ni Sheryl Cruz sa Instagram

- Ang maiksing TikTok video nina Sheryl at Jeric Gonzales na may background music na "To The Bone" ay nagpakilig sa kanilang mga tagahanga

- Matatandaang sa isang video ni Sheryl ay ibinuking siya ng kanyang yaya na nanliligaw nga sa kanya ang aktor

- Si Sheryl ay kasalukuyang 47 anyos samantalang 28 naman si Jeric at 19 na taon ang agwat ng kanilang edad

- Gayunpaman, marami ang kinikilig sa kanila na naitambal sa teleseryeng "Magkaagaw"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging palaisipan sa mga fans nina Sheryl Cruz at Jeric Gonzales kung paraan ba ng aktres ng pag-amin o pagsasapubliko ng kanilang relasyon ang kanyang pagpost ng TikTok video ni Jeric kung saan makikita ang kanilang mga litratong magkasama.

Read also

Heart Evangelista, ibinahaging 23 and a half inches ang sukat ng kanyang beywang

Sheryl Cruz, ibinahagi ang video nila ni Jeric Gonzales; pinakilig ang mga fans
Sheryl Cruz and Jeric Gonzales (@officialsherylcruz)
Source: Instagram

Maririnig din sa nasabing video ang background music na To The Bone kung saan bahagi ng lyrics ay nababanggit ang hashtags na ginamit ng aktres sa kanyang Instagram post.

Marami ang naintriga sa #ImAlreadyYours, #BabyandBabe at #TakeMeHome na ginamit ni Sheryl na hashtags sa kanyang post. Para sa ilang mga tagasuporta ng tambalan nila, unti-unti nang isinasapubliko ng dalawa ang kanilang relasyon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Sheryl Rose Anna Marie Sonora Cruz o mas kilala sa kanyang screen name na Sheryl Cruzay isang aktres at mang-aawit.

Anak siya ng mga batikang aktor at artista na sina Ricky Belmonte and Rosemarie Sonora. Pamangkin siya ni Susan Roces. Ikinasal siya kay Norman Bustos noong 1996 ngunit nagfile siya ng annulment noong March 2008.

Matatandaang nitong nakaraang mga buwan ay lumikha ng ingay ang pambubuking ng yaya ni Sheryl na nililigawan siya ni Jeric Gonzales.

Read also

Richard Gutierrez, sumunod sa kanyang mag-iina sa Switzerland

Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel