Nakatulalang vendor, napasaya ng nagmalasakit na netizen na nag-abot sa kanya ng tulong

Nakatulalang vendor, napasaya ng nagmalasakit na netizen na nag-abot sa kanya ng tulong

- Umantig sa puso ng marami ang ginawang pagmamalasakit ng netizen sa isang vendor

- Nakita niya umano itong nakatulala sa gilid ng kalsada na tila malalim ang iniisip

- Ngunit napa-wow at napangiti ito nang matanggap ang munting surpresa na inabot ng netizen na isa pa lang celebrity

- Labis din siyang nagpasalamat sa hindi inaasahang biyaya na kanyang natanggap

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang maiksing video ng TikTok user at celebrity na si Zara Lopez.

Napansin niya kasi ang isang 'takatak' vendor na nakatulala lamang sa gilid ng kalsada.

Dahil dito, naisipan ni Zara na abutan ng tulong ang vendor.

Nang tawagin niya ito, agad na napalitan ng ngiti ang kanyang lungkot nang makita ang kanyang iniaabot.

Nakatulalang vendor, napasaya ng nagmalasakit na netizen na nag-abot sa kanya ng tulong
Photo from Zara lopez (@zaralopez999)
Source: UGC

Talagang napasabi ng 'wow' at agad na nagpasalamat ang vendor sa kanyang natanggap.

"Naawa ako Kay tatay nakita ko nakatulala. Kaya I decided na ishare yung blessings ko sa kanya. Napa-wow sya eh! Priceless! God bless you po"

Read also

Ama ng nasawing flight surgeon sa C-130 crash, emosyonal para sa naulilang pamilya ng anak

Dahil dito, umani ng papuri si Zara mula sa mga netizens na natuwa rin sa simpleng surpresa na nakapagpasaya sa vendor.

Narito ang ilan sa kanilang mga mga komento:

"Kitang-kita ang pag-aliwalas ng mukha ni tatay, very good mo ma'am Zara"
"Nakaka-inspire po, nadaanan mo lang siya pero 'di ka nagdalawang isip na tumulong"
"Natuwa si tatay, bigla siyang sumigla... Kita talaga ang epekto ng pandemya pero buti may nagbigay saya sa kanya"
"God bless you Zara. Dapat tularan ang mga ganitong tao na marunong magbahagi ng blessings"
"Good example ng sharing your blessings. God bless you rin po mam Zara"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Buhat nang mag-pandemya at maisailalim ang iba't ibang lugar sa bansa sa community quarantine, TikTok na ang libangan ng mga Pilipino.

Matatandaang maging ang Department of Health ay nagkaroon na rin ng TikTok videos bilang kampanya sa pagpapaala ng pag-iingat sa COVID-19.

Read also

Sundalong nurse na pumanaw sa C-130 crash, pumalit lang sa dapat na kasama sa flight

Marami rin sa ating mga kababayan na bagaman at kakasimula pa lamang sa TikTok noong nakaraang taon ay milyon-milyon na ang followers sa ngayon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica