Lotlot de Leon, ibinahagi tungkol sa "nakaraan" nina Janine at Mayor Vico
- Kinaaliwan ng mga netizens ang throwback picture na ibinahagi ni Lotlot de Leon sa kanyang Instagram account
- Makikita sa dalawang litrato sina Pasig City Mayor Vico Sotto at Kapamilya actress na si Janine Gutierrez
- Hindi naman napigilang mag-react ng dalawa na kinaaliwan ng publiko dahil tila nahihiya ang mga ito sa kanilang throwback picture
- Biro ni Vico, last appearance niya bilang artista ang pagganap niya sa play na iyon
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Marami ang naaliw sa cute na throwback pictures nina Vico Sotto at Janine Gutierrez na ibinahagi ng ina ng aktres na si Lotlot de Leon.
Kuha iyon sa isang play noong bata pa lamang sila kung saan makikitang magkasama sila sa entablado.
Hindi naman napigilan ng dalawa na mag-react sa ibinahaging ito ni Lotlot. Tila nahiya si Janine sa kanyang reaksiyon. Si Vico naman ay natawa na lamang at binahaging iyon umano ang kanyang huling appearance bilang artista.
Kay bilis ng panahon.. ang aking panganay na laging kasama dati sa school play at ang kanyang leading man ay walang iba kundi ang napakahusay na Mayor ngayon ng pasig. ♥️ Janine and Mayor Vico . Both meant to be great in their chosen careers! Napakasarap alalahanin at tignan! nakaka proud talaga!♥️ Hi babe! @janinegutierrez
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Si Vico Sotto ay nakilala bilang anak ng TV host na si Vic Sotto at batikang aktres na si Coney Reyes. Kasalukuyan siyang nanunungkulan bilang Mayor ng Lungsod ng Pasig.
Isa siya sa pinakapinupuring mga alkalde dahil sa magagandang proyektong kanyang pinapatupad sa kanyang nasasakupan.
Samantala, kinaaliwan ng marami ang pakiusap ni Vico tungkol sa pagpapadala ng kanyang mga nasasakupan tungkol sa kanilang COVID-19 vaccination pictures.
Matatandaang pumanaw ang driver ni Vico matapos itong tamaan ng COVID.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh