Solenn Heussaff at Nico Bolzico, nagharap sa isang cook-off challenge
- Nagkaharap sa isang cook-off challenge ang mag-asawang sina Solenn Heussaff at Nico Bolzico sa Youube channel ni Erwan Heussaff
- Sa series na Fiesta in a Box ng channel ni Erwann na Featr, kinailangang gumawa ng piaya ang mag-asawa
- Bilang kilala sa kanyang nakakatawang banat, marami ang naaliw sa mga hirit ni Nico habang nagluluto
- Matapos ang binigay na oras sa kanila, tatlong hurado ang nagpasya kung sino sa dalawa ang nanalo
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Kinaaliwan ang cook-off challenge ng mag-asawang sina Soleen Heussaff at Nico Bolzico sa YouTube channel ni Erwan Heussaff na Featr. Sa series na Fiesta in a box, dalawang tao ang maghaharap at maglalaban sa pagluluto ng mga pagkaing may kaugnayan sa mga fiesta na ginaganap sa iba't-ibang panig ng bansa.
Gumawa sila ng piaya na kilala sa Bacolod City kung saan ginaganap ang Masskara Festival. Tatlong hurado ang naghusga sa ginawang piaya ng mag-asawa.
Kilala si Solenn bilang magaling sa pagluluto ngunit nagwagi ang gawang piaya ni Nico. Kabilang din si Erwann sa mga hurado sa nasabing cook-off.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Ang kanyang bayaw na si Erwan Heussaff naman ay isang Filipino-French na content creator na nakilalal sa kanyang vlogs tungkol sa food, traveling, at fitness. Asawa siya ng Kapamilya star na si Anne Curtis at nakababatang kapatid ni Solenn Heussaff.
Sina Nico at Erwan ay malapit sa isa't-isa. Sa katunayan, marami sa kanilang mga social media posts ay magkasama sila. Matatandaang nag-viral ang kanilang video kung saan ginaya nila ang ilang couple yoga poses.
Kinaaliwan kamakailan ang reaksiyon ni Nico sa kanyang anak na si Thylane na gustong halikan ang anak ni Georgina Wilson.
Nais ipaalala ng KAMI na kaakibat ng kalayaan ng pagpapahayag ng saloobin at opinyon ay ang pananagutan lalo na kung makakasira sa imahe ng ibang tao. Nawa ay palaging isaisip at ugaliin maging marespeto sa kapwa sa pagbabahagi ng opinyon.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh