Jane Oineza at RK Bagatsing, sabay na nagpabakuna laban sa COVID-19

Jane Oineza at RK Bagatsing, sabay na nagpabakuna laban sa COVID-19

- Ibinahagi ng nababalitang magkarelasyon na sina Jane Oineza at RK Bagatsing ang kanilang pictures ng kanilang pagpapabakuna

- Sabay silang nagpabakuna kontra COVID-19 at hinimok din nila ang publiko na magpabakuna na rin

- Matatandaang naging usap-usapan ang ibinahagi ni RK na TikTok video nila kung saan nakita silang nag-kiss

- Gayunpaman, wala pang pormal na pag-amin mula sa dalawa kaugnay sa kanilang napapabalitang relasyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakapagpabakuna na rin ang nababalitang magkasintahang Jane Oineza at RK Bagatsing. Ibinahagi ng dalawa ang kanilang mga pictures na kuha sa kanilang pagpapabakuna kontra COVID-19.

Jane Oineza at RK Bagatsing, sabay na nagpabakuna laban sa COVID-19
Jane Oineza and RK Bagatsing (@janeoineza)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kalakip ng kanilang mga ibinahaging pictures ay hinimok din nila ang publikong magpabakuna na rin laban sa COVID-19 para mas mapabilis nang bumalik sa normal ang takbo ng buhay ng lahat.

Read also

Jelai Andres, ipinasilip ang pangyayari sa likod ng camera sa OML taping

First dose done today!! When you do get the chance, please register. Tara na at magpabakuna! Keep safe everyone!

Got my first dose of the Covid-19 vaccine today and excited na ko para sa second dose. ✅ Ikaw kamusta, tapos na? Pag meron na pagkakataon, please register and #ɢᴇᴛᴠᴀᴄᴄɪɴᴀᴛᴇᴅ The quicker we get everyone vaccinated, the quicker we can all get back to normal.

Matatandaang naging usap-usapan ang ibinahagi ni RK na TikTok video nila kung saan nakita silang nag-kiss. Gayunpaman, wala pang pormal na pag-amin mula sa dalawa kaugnay sa kanilang napapabalitang relasyon.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Elizabeth Jane Urbano Oineza ay isang aktres at endorser na nakilala sa pagiging cast ng Goin' Bulilit at Kung Fu Kids. Naging bahagi din siya ng Pinoy Big Brother. Kinilala ang husay ni Oineza sa pag-arte sa pelikulang Manika.

Read also

Sunshine Dizon, puring-puri ang dating asawa sa pagiging tatay sa anak nila

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan ay nag-trending si Jane matapos niyang ibahagi ang tungkol sa kanyang bagong proyekto. Naging usap-usapan din ang tungkol sa balitang magkasama umano si Jane at RK sa Laguna getaway nila.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel