Ryzza Mae Dizon, pinasilip ang kanyang 16th Birthday celebration

Ryzza Mae Dizon, pinasilip ang kanyang 16th Birthday celebration

- Ibinahagi ni Ryzza Mae Dizon ang kanyang naging pagdiriwang ng ika-16 niyang kaarawan sa bahay

- Nag-effort umano ang kanyang pamilya na i-celebrate ang kanyan birthday dahil ayon raw sa kanyang mama ay dapat may celebration kapag gano'ng edad

- Bukod sa kanyang pamilya, mayroon ding nagsurpresa sa kanya na kasama niya sa studio noong wala pang pandemya

- Pinasalamatan ni Ryzza ang Panginoon dahil sa blessings at sa pagbibigay ng magandang kalusugan sa kanyang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kanyang YouTube channel ay ibinahagi ni Ryzza Mae Dizon ang kanyang 16th Birthday celebration na ginanap sa kanilang bahay. Ibinahagi niya ang ginawang preparasyon ng kanyang pamilya para sa kanyang kaarawan.

Ryzza Mae Dizon, pinasilip ang kanyang 16th Birthday celebration
Ryzza Mae Dizon (@ryzzamaedizon_)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Janella Salvador, masaya sa pagbabalik-trabaho niya matapos ang 15 buwan

Dalawa naman sa kanyang katrabaho sa studio ang nag-surpresa sa kanya. Anila, namiss din nila ang dalaga na mahigit isang taon na nilang hindi nakikita bunsod ng mga pinapatupad na alituntunin upang maiwasan ang paglaganap ng COVID-19.

Pinasalamatan naman ni Ryzza ang Panginoon dahil sa lahat ng natanggap niyang blessings at para umano sa magandang kalusugan ng kanyang pamilya.

Hindi din niya kinaligtaang pasalamatan ang kanyang Eat Bulaga family at ang lahat ng kanyang mga tagasuporta.

Maging ang kanyang pamilya na umasikaso ng lahat para sa kanyang kaarawan ay pinasalamatan din niya.

Narito ang kanyang birthday vlog:

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Ryzza Mae de Guzman Dizon isang Pinay teen actress na sumikat noong taong 2012 matapos siyang tanghaling panalo sa Little Miss Philippines sa noontime show na Eat Bulaga! Siya ay nabigyan ng sarili niyang talk show matapos ang kanyang pagkapanalo, ang "The Ryzza Mae Show".

Read also

Rosemarie Vega, nagbalik-tanaw sa kanyang ibinahaging closet Tour

Matapos nga ang pandemya, bilang isang menor de edad, naapektuhan ang trabaho para kay Ryzza. Gayunpaman, sa pamamagitan ng social media ay updated ang kanyang mga tagasuporta sa pangyayari sa kanyang buhay.

Kamakailan ay naging usap-usapan ang video ni Ruzza nang maiyak ito habang nanonood ng Hello Love, Goodbye.

Ibinahagi niya rin ang isang house tour para ipakita sa kanyang mga tagasuporta ang kanyang naipundar.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel