Korean street vendor, pinagmalasakitan ang vlogger na nagpanggap na pulubi

Korean street vendor, pinagmalasakitan ang vlogger na nagpanggap na pulubi

- Hinangaan ng marami ang ginawang pagtulong ng isang Korean street vendor sa vlogger na nagpapanggap na pulubi

- Mayroong nakapagsabi sa vlogger tungkol sa Korean street vendor na naglalako ng kanyang mga paninda sa Imus, Cavite

- Imbis na ipagtabuyan, binigyan niya ng Korean noodles ang vlogger nang sabihin nitong hindi pa siya kumakain

- Laking gulat naman ng vendor nang biglang mamakyaw halos ng kanyang paninda ang nagpanggap na pulubi

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nakakabilib ang kabutihang ipinakita ng isang Korean street vendor na hindi nagdalawang isip na tumulong sa vlogger na si Foreigngerms sa pagpapanggap muli nito na isang pulubi.

Nalaman ng KAMI na marami sa mga subscribers ni Foreigngerms ang nagsabi na dalawin umanonito ang Korean street vendor sa Imus, Cavite.

Matiyaga itong naglalako ng mga Korean food sa gilid ng kalsada at sinubok ni Foreigngerms ang kabutihan nito.

Read also

Netizen, ibinahagi ang kanyang pagkabigla sa picture niya sa kanyang national ID

Korean vendor, pinagmalasakitan ang vlogger na nagpanggap na pulubi
Photo: Sina Sam at Mr. Lee (Screengrab from Foreigngerms YouTube channel)
Source: Facebook

Nagtanong-tanong pa ang vlogger na nagpanggap na pulubi kung magkano ang mga paninda ng vendor na nakilala niyang si Mr. Lee.

Bilang bahagi ng kanyang pagpapanggap, sinabi niya kay Mr. Lee na dalawang araw na siyang hindi nakakakain.

Naunawaan naman ito ng Korean vendor na agad siyang inabutan ng isang pakete ng noodles.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Humanga si Foreigngerms sa pagmamalasakit sa kanya ni Mr. Lee kaya dali-dali niya itong binalikan para siya naman ang magbibigay ng tulong.

Halos pakyawin na ng vlogger ang mga paninda ng Korean na sobra naman nitong ikinatuwa at ipinagpasalamat.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Foreigngerms YouTube channel:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Sam Ousta ay mula sa Syria ngunit nananatili na sa Pilipinas sa loob ng 15 taon. Isa siya sa mga content creator sa bansa na pawang pagtulong sa mga kababayan nating Pilipino ang kanyang ginagawa. Mas kilala bilang si "Foreigngerms" sa kanyang YouTube channel at mayroon na siyang 511,000 subscribers.

Read also

Ogie Alcasid, buong pagmamalaking ibinida ang tunay na ganda ng asawa

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Tulad ni Sam, isa rin sa mga kilalang vlogger sa bansa ay si Basel Manadil o mas kilala bilang si "The Hungry Syrian Wanderer." Hilig din ni Basel ang tumulong at isa sa mga napagmalasakitan niya noon ay ang Korean street vendor din na si Mr. Chang na tinawag pa niyang Abeoji na ang ibig sabihin ay ama sa Korean.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica