Lai Austria, hindi daw boyfriend si Rob Moya ngunit nasa "dating stage" daw sila

Lai Austria, hindi daw boyfriend si Rob Moya ngunit nasa "dating stage" daw sila

- Pinabulaanan ni Lai Austria ang balitang boyfriend niya na ang vlogger at aktor na si Rob Moya

- Ito ay matapos silang mamataang magkasama ng ilang beses maging sa vlog ni Rob

- Paliwanag ni Lai, hindi niya pa ito boyfriend ngunit inamin niyang nag-de-date sila

- Para sa kanya ay boyfriend material naman umano si Rob at alam niya umanong may mabuti itong puso

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa isang panayam ng Facebook Page na Dear Tito Timmy ibinahagi ni Lai Austria ang ilang mga kasagutan niya sa mga tanong sa kanya kaugnay sa pagkakadawit niya sa hiwalayang Toni Fowler at Rob Moya.

Aniya, wala naman na siyang kinalaman sa nangyari sa dating magkasintahan dahil hiwalay na umano sina Toni at Rob nang magkita sila ni Rob.

Lai Austria, hindi daw boyfriend si Rob Moya ngunit nasa "dating stage" daw sila
Lai Austria (@laiaustria)
Source: Instagram

Nilinaw niyang wala siyang inaagaw dahil dati niya pang kakilala si Rob ngunit muli lang sila nagkausap ni Rob nitong Enero ng kasalukuyang taon.

Read also

Reymark Mariano, inaming nasasaktan sa pambabatikos sa kanyang ina

Pagkatapos ng pagkikita nilang ito ay hindi naman kaagad sila nag-date. Buwan ng Pebrero umano nang lumabas sila at nanligaw si Rob sa kanya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Taliwas sa lumalabas na balitang boyfriend niya na si Rob, sinabi ni Lai na nasa dating stage pa lamang sila ng aktor.

Para sa kanya, boyfriend material naman si Rob dahil mabait naman umano ito. Payo niya kay Rob, magpakatatag lang umano ito dahil naniniwala siyang malalampasan din nito ang kanyang kinakaharap sa kasalukuyan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Lai Austria ang babaeng kasalukuyang iniuugnay kay Rob Moya matapos maghiwalay nina Rob at Toni Fowler. Nakakasama din sa vlog ni Rob si Lai kaya lalong naging maugong ang balitang magkarelasyon ang dalawa.

Read also

Alex Gonzaga, hindi inatrasan ang netizens na bumatikos sa kanya sa Twitter

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa isang vlog ni Rob, pinasalamatan niya si Lai dahil sa pagdamay umano nito sa kanya sa mahirap na punto ng kanyang buhay.

Si Lai din ang tinuturong kausap umano ni Rob sa kumakalat na screenshot sa social media ngayon na inalmahan ni Toni Fowler.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel