Tyronia Fowler, binuking na umiiyak si Tito Vince niya dahil sa kanyang mommy

Tyronia Fowler, binuking na umiiyak si Tito Vince niya dahil sa kanyang mommy

- Naitanong ni Tyronia Fowler sa kanyang Mommy Toni kung bakt laging umiiyak si Tito Vince niya

- Ginagaya pa nito kung paano niya nakikita si Vince kapag umiiyak umano dahil kay Toni

- Ayon naman kay Toni, kapag dumating yung pagkakataon na may hindi sila napagkakasunduan ay hindi niya pinapansin si Vince at umiiyak umano ito

- Matatandaang kamakailan ay naging usap-usapan ang pag-friend zone ni Toni kay Vince

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naitanong ng anak ni Toni Fowler na si Tyronia Fowler kung bakit daw laging umiiyak ang kanyang Tito Vince dahil sa kanyang mommy.

Natawa pa si Toni nang subukang gayahin ni Tyronia si Vince kapag umiiyak ito.

Tyronia Fowler, binuking na umiiyak si Tito Vince niya dahil sa kanyang mommy
Toni Fowler (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ayon kay Toni may mga bagay silang hindi napagkakasunduan minsan ni Vince kapag nag-uusap sila at dumarating sa puntong hindi niya ito pinapansin.

Read also

Bearwin Meily, kinumusta ni Ogie Diaz; naiyak nang mabanggit si Bayani Agbayani

Kadalasan umanong umiiyak si Vince kapag nangyayari ito at agad na nag-so-sorry. Gayunpaman, nilinaw ng vlogger na hindi niya boyfriend si Vince.

Minsan umano ay mismong si Tyronia ang nagsasabi sa kanyang mommy na makipagbati na sa kanyang Tito Vince.

Narito ang reaksiyon ng kanilang mga fans na aminadong kinilig sa dalawa.

Payagan mo na si mommy Oni na magBF para sila na ni Tito Vince. Di nia aagawin si mommy Oni sau kc ibang iba xa sa ex ni mommy mo.
Kinikilig ako dahil sobrang love ni Tito Vince si Mommy Oni. YIEEE. Nag kaka LQ na sila. Kaso dipa ready si Tyronia. Mukhang next year pa magiging sila. haha!
Thank you Tyronia for including Tito Vince in your Questions. And thank you dahil pinapatugtog mo pala yung AT MY WORST pag di sila okay ni Mameh

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Read also

Toni Fowler, may pahaging tungkol sa taong malapit nang humimas ng rehas

Sumikat nang husto si Toni Fowler matapos masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay nina Jelai Andres at Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Dumami ang sumuporta sa kanila at maging sa ibang kasamahan nila sa Toro family.

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan nga ay agad na nag-viral ang post ni Toni Fowler kung saan pinasalamatan niya si Tito Vince dahil palagi itong nasa tabi niya kahit hanggang magkaibigan lang umano sila.

Gayunpaman, nilinaw ni Vince na hindi siya mapapagod at susuko na maghintay kung kailan magiging handa si Toni na pumasok sa isang relasyon matapos silang magkahiwalay ni Rob.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel