Tanya Garcia, inaming walang nabuong spark sa kanila ni Dingdong Dantes

Tanya Garcia, inaming walang nabuong spark sa kanila ni Dingdong Dantes

- Inamin ng aktres na si Tanya Garcia kung bakit hindi naging sila ni Dingdong Dantes

- Ayon kay Tanya, si Antoinette Taus ang isa sa dahilan kung bakit wala silang spark ni Dong

- Ngunit inamin din nito nagkaroon siya ng crush sa dating ka-loveteam

- Si Tanya ay happily married na ngayon sa actor-politician na si Mark Lapid

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa isang YouTube vlog ni Carmina Villaroel, inamin ng aktres na si Tanya Garcia ang dahilan kung bakit hindi sila naging mag-boyfriend ng dating ka-loveteam na si Dingdong Dantes.

Ayon kay Tanya, si Antoinette Taus, na girlfriend noon ni Dong, ang naging dahilan.

Anito, naging kaibigan niya si Antoinette at nagkausap pa nga raw silang dalawa noon bago ito umalis ng bansa.

Tanya Garcia, inaming walang nabuong spark sa kanila ni Dingdong Dantes
Photo: Former Kapuso loveteam Tanya Garcia and Dingdong Dantes
Source: UGC

Pero inamin ni Tanya na sa tagal nilang magka-loveteam ni Dong ay nagkaroon siya ng crush dito bagamat hanggang doon na lang iyon.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Kwento pa ng GMA actress, si Dingdong pa ang nagpakilala sa nobyo niya noon na kaibigan nito.

Samantala, si Tanya ay happily married na sa actor-politician na si Mark Lapid, anak ni Senator Lito Lapid, at nabiyayaan ng tatlong anak na babae.

Sa isang social media post, ibinahagi ng mag-asawang Mark at Tanya ang napagandang larawan ng kanilang pamilya.

Habang si Dingdong naman ay kasal na rin sa Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera at may dalawa na ring anak, sina Zia at Ziggy Dantes.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa isa pang report ng KAMI, proud mama si Tanya sa kanyang mga anak at ibinida pa ang mga nakakamanghang artwork ng mga ito sa kanyang social media account.

Si Tanya Katherine Rosales Lyttle-Lapid o kilala sa kanyang screen name na Tanya Garcia, ay isang Pinay telenovela at film actress. Nakilala siya sa kanyang pagganap sa mga teleserye at isa na dito ay ang pagganap niya bilang si Cecilia sa teleseryeng Sana ay Ikaw na Nga kung saan itinambal siya kay Dingdong Dantes.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel