Joross Gamboa, pinasilip ang kanyang pinapatayong beach house

Joross Gamboa, pinasilip ang kanyang pinapatayong beach house

- Ibinahagi ni Joross Gamboa ang kanyang pinapatayong beach house sa Costa Sariya , Sariaya, Quezon

- Makikita sa kanyang post ang isang pinapatayong imprastraktura na malapit lamang sa dagat

- Maging ang mga kasamahan ni Joross sa showbiz ay bumati sa kanya sa kanyang bagong blessing

- Si Joross ay nakilala sa mundo ng showbiz matapos mapabilang sa talent search na Star Circle Quest

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masayang ibinahagi ni Joross Gamboa ang kanyang pinapatayong beach house sa Costa Sariya , Sariaya, Quezon.

Makikita sa kanyang post ang isang pinapatayong imprastraktura na malapit lamang sa dagat.

Joross Gamboa, pinasilip ang kanyang pinapatayong beach house
Joross Gamboa (@joross_gamboa)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bumuhos naman ang pagbati ng mga netizens maging ng kanyang mga kasamahan sa showbiz sa kanyang bagong blessing.

Read also

Angel Locsin, ibinuking ang pagiging "groomzilla" umano ni Neil Arce

Kabilang ang isa sa kasabayan niya sa Star Circle Quest na si Neri Naig sa napabilib sa kanya. Maging sina Mark Herras at Rayver Cruz ay humanga din.

Walang ibang detalyeng ibinahagi si Joross sa nasabing post kundi ang "BGC (Bignay Gamboa Community)."

Ginamit din nitong hashtag ang #thankyouLord.

Narito ang ilang reaksiyon ng mga netizens:

Bless You Sir Joross and thank God for Your Biggest Blessing ,we can't wait to see it finished.
Wooow, lodi my property ka na pala diyan. That is my home town. Congratulations Sir Joross....Godbless palagi.
Nakaka-inspire naman si lodi! Magandang ehemplo sa mga artista na iinvest ang kanilang pera ng maayos. Good luck po sa inyo!

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Joross Gamboa ay unang nakilala sa mundo ng showbiz nang sumali siya sa Star Circle Quest kung saan kasabay niya sina Sandara Park, Roxanne Ginoo at Hero Angeles.

Read also

Mary Pacquiao, kumikita na ng sariling pera sa edad na 14

Sa paglipas ng panahon, nanatili ang pagiging malapit ni Joross sa ngayo'y K-pop star na si Sandara Park.

Ikinasal siya sa asawang si Kathy Kimberly Saga at nabiyayaan ng dalawang anak.

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan, naging usap-usapan ang naging pahayag ni Joross tungkol sa bagong serye ni Julia Montes matapos ang mahabang panahon na hindi ito gumagawa ng serye.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel