Jam Magno at Ogie Diaz, nagpatutsadahan sa social media

Jam Magno at Ogie Diaz, nagpatutsadahan sa social media

- Naging intense ang sagutan nina Ogie Diaz at Jam Magno sa kani-kanilang TikTok videos

- Matatandaang naglabas ng reaksiyon si Magno matapos ibahagi ni Ogie ang tungkol sa pagbabakuna niya kamakailan

- Ayon kay Magno, kung sino pa iyong mahilig magpuna sa gobyerno ay siya pang naunang magpabakuna

- Sagot naman ni Ogie sa pamamagitan ng kanyang YouTube channel, hindi siya kailanman nagreklamo tungkol sa bakuna

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Usap-usapan ngayon ang patutsadahan nina Jam Magno at ni Ogie Diaz na binahagi nila sa pamamagitan ng mga TikTok videos.

Nagsimula ito nang ibahagi ni Ogie ang tungkol sa kanyang pagpapabakuna kamakailan lang.

Jam Magno at Ogie Diaz, nagpatutsadahan sa social media
Ogie Diaz (facebook.com/ogie.diaz.5)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dito naglabas ng kanyang reaksiyon si Jam tungkol sa umano'y mga taong galit na galit sa gobyerno pero unang-una pagdating sa pagpapabakuna. Walang binanggit na pangalan si Jam ngunit tinawag niyang "pangit" ang kanyang pinatutungkulan ng kanyang mensahe.

Read also

Rica Peralejo, binahagi kung paano pinaalala sa kanya ang tinalikurang nakaraan

Sinagot naman ito ni Ogie at pinagtawanan lamang ang pagtawag sa kanya ng pangit ng umano'y "babaeng punggok."

Sa sumunod na video ni Jam ay diretsahan na niyang binanggit ang pangalan ni Ogie.

Hindi in pinalampas ni Ogie Diaz ang isang tweet ni Jam tungkol sa pagpapasalamat niya sa isang pahayagan na nagkukumpara sa kanya kay dating Senator Miriam Defensor Santiago.

Sa sumunod naman na video ay sinagot ni Jam ang tungkol sa akusasyong binabayaran siya sa pagtatanggol niya sa gobyerno.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Pekto sa comedy show na "Palibhasa Lalake".

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Read also

Gerald Anderson, nagbahagi ng quote tungol sa "healing"

Kamakailan ay naging usap-usapan ang pagtanggi ni Ogie na i-endorse ang pelikula ng isang artistang alam niyang nag "yes to ABS-CBN shutdown."

Bilang kilala sa pagiging prangka sa pagbabahagi ng kanyang opinyon, hindi maiwasang makatanggap si Ogie ng pambabatikos. Bumwelta siya sa mga nagsasabing isa siyang "dilawan."

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel