Pagtuklas sa apelyido ng "Soul Siren" na si Nina, kinagiliwan sa social media
- Viral sa social ang nakakatuwang thread ngayon tungkol sa pagtuklas ng apelyido ng singer na si Nina
- Nagsimula ito sa isang post ng netizen at nagtanong kung ano nga ba ang apelyido ng singer na nakilala lamang sa kanyang first name
- Bumaha ng iba't ibang mga suhestyon mula sa mga netizens kaya naman talagang naging usap-usapan ito
- Sa huli, ibinunyag din nila ang tunay na apelyido ng tinaguriang "soul siren"
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Tuwang-tuwa ang mga netizens sa viral post ngayong sa pagtuklas nila ng apelyido ng Soul Siren na si Nina.
Nalaman ng KAMI na nagsimula lamang umano ito sa Twitter post ni Kier Ramos noong Abril 5 ng gabi na "Ano pala ang apelyido ni Nina?"
Binaha na ng mga nakatutuwang komento ang naturang post at tuluyan nang humaba ang thread.
Narito ang ilan sa mga nakakatuwang sagot ng netizens na ibinahagi rin ni Kenly Tabinas Rimandiman:
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.
Maging si Nina mimso ay naibahagi sa kanyang Instagram post ang nakakatuwang thread na nagbigay 'good vibes' sa maraming Pinoy.
Nina: Hahaha! Ang wi-witty eh!!! Panalo yung "Kho-Aasapangmuli"!
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sa bandang huli ng thread, ipinakita rin naman na ang tunay na apelyido ni Nina ay 'Girado.'
Si Nina ay may buong pangalan na Marifil Niña Girado-Enriquez. Siya ay isang kilalang singer, occasional songwriter, record producer, TV and radio personality sa Pilipinas. Taong 2002 nang magsimula siyang makilala sa industriya ng Musika.
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Isa sa mga "all-time favorites" ng Pinoy ay ang ikatlong album niya na "Nina Live!". Ito ay na-release noon pang 2005 ngunit patuloy pa ring tinatangkilik sa mga streaming apps.
Ilan sa mga napanalunan ni Nina dahil sa album na ito ay ang Best Female Acoustic Artist, Best Performance by a Duet ("The Closer I Get to You"), Best Selling Album of the Year (Nina Live!), Favorite Collaboration ("Burn") at ang OPM Female Artist of the Year.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh