Asawa ni April Boy Regino, ibinahagi ang tungkol sa malaking tulong ni Sharon Cuneta

Asawa ni April Boy Regino, ibinahagi ang tungkol sa malaking tulong ni Sharon Cuneta

- Ibinahagi ng asawa ni April Boy Regino na si Madelyn Regino ang tulong na binigay sa kanila ng Megastar

- Ito ay matapos ang pagpanaw ng kanyang asawa kamakailan na ikinalungkot ng marami kabilang na si Sharon

- Ayon kay Madelyn, hindi niya inasahang magbibigay ng tulong pinansiyal si Sharon nang pumanaw ang asawa

- Aniya, tagahanga sila ni Sharon kahit noong hindi pa sila mag-asawa ni April Boy

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni Sharon Cuneta ang Facebook post ni Madelyn Regino ang asawa ng namayapang Novelty singer na si April Boy Regino.

Ibinahagi nito na naiyak din siya matapos mapanood ang pagiging emosyonal ni Sharon kamakailan sa Your Face Sounds Familiar kung saan si April Boy ang icon na ginaya ni Lie Reposposa.

Asawa ni April Boy Regino, ibinahagi ang tungkol sa malaking tulong ni Sharon Cuneta
Sharon Cuneta (Photo by Enrique Soriano/Bloomberg)
Source: Getty Images

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Morissette Amon, sinorpresa ng online sensation na si Teacher Dan

Ibinahagi ni Madelyn na hindi niya inasahang makakatanggap siya ng tulong mula sa Megastar.

Hindi namin ineexpect na magbibigay si Mam Sharon Cuneta ng Malaking Halaga para sa burial ng aking asawa. Naiyak talaga ako ng tumawag si Nanay Cristy Fermin ng sabihin magbibigay ng tulong si Sharon at sinabi pa na Mahal ni Sharon si April at naiyak dahil sa pagkawala ni idol.

Pinasalamatan ni Madelyn si Sharon at inaming tagahanga sila ng Megastar kahit noong hindi pa sila mag-aswa ni April Boy.

Maraming Salamat po sayo Mam Sharon Cuneta sa tulong ng Diyos ay natupad ang mga pangarap sa buhay ni April boy dahil sa kantang "SANA'Y LAGING MAGKAPILING" na ikaw ang naging Inspirasyon sa paggawa ng kauna-unahang komposisyon niya. Sharonian talaga kaming mag asawa, lahat ng pelikula mo ay pinanood namin nun magbf pa kmi ni idol pati concert kahit mahal ang tiket ay nasa unahan kami masayang pinapanood ka.

Read also

Sharon Cuneta, emosyonal nang malamang naka-life support na lang si Fanny Serrano

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Sharon Gamboa Cuneta-Pangilinan ay isang Pinay na aktres, mang-aawit, TV host at endorser. Kilala siya sa bansag na "Megastar" dahil sa kanyang matagumpay na showbiz career. Siya ang asawa ni Senator Kiko Pangilinan.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Isa lamang si Sharon sa mga artistang bukas sa pagbabahagi ng kanyang saloobin at damdamin sa publiko sa pamamagitan ng social media. Nitong mga nakaraang araw ay naging emosyonal si Mega matapos niyang mapanood ang throwback na video ng duet nila ng anak na si KC Concepcion.

Ipinagluksa niya rin ang pagpanaw ng sikat na designer na si Rocky Gathercole na naging malapit sa kanya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel