Carla Abellana at Tom Rodriguez, engaged na noong nakaraang taon

Carla Abellana at Tom Rodriguez, engaged na noong nakaraang taon

- Isinapubliko na nina Carla Abellana at Tom Rodriguez ang tungkol sa kanilang engagement

- Sa kani-kanilang mga Instagram account ay ibinahagi ng dalawa ang tungkol sa naganap na engagement

- Ibinahagi din ng Nice Print Photography ang ilang litrato na kuha sa mismong araw na naganap ang proposal ng aktor

- Noong Oktubre ng nakaraang taon pa naganap ang engagement at naging bahagi ang Nice Print sa surprise wedding proposal

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isinapubliko nina Carla Abellana ang tungkol sa kanilang engagement ni Tom Rogriguez sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga litrato ng kanyang engagement ring.

Walang masyadong detalyeng ibinahagi ang magkasintahan tungkol sa naganap na proposal.

Carla Abellana at Tom Rodriguez, engaged na noong nakaraang taon
Carla Abellana (@carlaangeline)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa kanyang post isang maiksi ngunit mkahulugang mensahe ang ibinahagi ni Carla.

Read also

Dionne Monsanto, P300 lang ang ginastos sa kanyang sinuot na wedding dress

A million times, YES.

Isang quote naman mula sa poet na si Pablo Neruda ang ibinahagi ni Tom.

“I love you without knowing how, or when, or from where. I love you simply, without problems or pride: I love you in this way because I do not know any other way of loving but this…”

Bilang sila ay naging bahagi ng surprise wedding proposal ni Tom kay Carla, ibinahagi ng Nice Print Photography ang ilang mga litrato na kuha nila mula sa mismong araw ng engagement.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Noong Oktubre nang taong 2020 pa umano naganap ang surprise wedding proposal.

Dumagsa naman ang pagbati para sa dalawa mula sa mga celebrities at iba pang sikat na personalidad.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Read also

Markus Paterson, kinaaliwan dahil sa kanyang reaksiyon nang maihian ni Baby Jude

Si Carla Abellana ay isang aktres, product endorser at commercial model. Anak siya ng aktor na si ‎Rey "PJ" Abellana‎.

Kamakailan lang ay inamin ni Carla na hindi sila laging sweet ng nobyong si Tom Rodriguez. Matatandaang nagsama na ang dalawa sa isang bubong simula nang magkaroon ng pandemya.

Masaya umano si Carla na tumira si Tom sa bahay niya dahil wala siyang kasama dahil matapos ang pagpapatupad ng mga lockdown ay wala siyang kasama dahil nagsiuwian sa kani-kanilang pamilya ang mga kasama niya sa bahay.

Sinagot din ni Carla ang katanungan kung kailan sila ikakasal.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel