Janus Del Prado, nagbahagi ng napapanahon at makahulugang #lifequotes

Janus Del Prado, nagbahagi ng napapanahon at makahulugang #lifequotes

- Makahulugan ang mga ibinahaging mensahe ni Janus Del Prado sa kanyang Insagram account

- Kasunod ito ng kontrobersiyal na pahayag ni Gerald Anderson tungkol sa umano'y toxic na relasyon nila ni Bea Alonzo

- Ani Janus, kahit paano pa natapos ang isang relasyon, hindi dapat magsalita ng makakasira sa taong dati mong minahal

- Si Janus ay kilala bilang isa sa malalapit na kaibigan ni Bea Alonzo na ex-girlfriend ni Gerald Anderson

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang sumang-ayon sa life quotes na ibinahagi ni Janus Del Prado sa kanyang Instagram account.

Kasunod ng kontrobersiyal na panayam kay Gerard Anderson kung saan umamin siyang masaya siya kay Julia Barretto ibinahagi ni Janus ang ilang makulugang mga quotes.

Nagsalita din si Gerald tungkol sa umano'y toxic na relasyon nila ni Bea Alonzo.

Janus Del Prado, nagbahagi ng mensahe matapos lumabas ang pag-amin ni Gerald Anderson
Janus Del Prado (@janusdelprado)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Markus Paterson, kinaaliwan dahil sa kanyang reaksiyon nang maihian ni Baby Jude

Kilala si Janus bilang isa sa pinakamalalapit na kaibigan ni Bea Alonzo kaya marami sa mga netizen ang pumuri sa kanya dahil sa ipinapakita nitong suporta umano sa kaibigan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

No matter how it ended, you do not destroy someone you used to love.

Let them talk and dig their own grave while you win in silence

Ito ay ilan lamang sa mga ibinahaging life quotes ni Janus sa kanyang Instagram account.

Kapwa mga dating contract artists ng Star Magic sina Janus at Bea. Nagkasama sila sa ilang mga pelikula kagaya ng One More Chance, na pinagbidahan ng aktres, katambal si John Lloyd Cruz, noong 2007.

Magkasama rin sina Bea at Janus sa Four Sisters and a Wedding noong 2013. Bida rin dito sina Angel Locsin, Toni Gonzaga, Shaina Magdayao, at Enchong Dee.

Read also

Bea Alonzo, pinasilip ang naipundar na farm sa Zambales

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Bea Alonzo ay nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance.

Samantala, kamakailan ay kinumpirma ng ABS-CBN na hindi na kabilang sa Star Magic si Bea. Naging usap-usapan din kamakailan nang mamataan sina Bea at si John Lloyd na magkasama.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel