Julia Barretto at Gerald Anderson, namataang magkasama resort ng aktor

Julia Barretto at Gerald Anderson, namataang magkasama resort ng aktor

- Namataang magkasama sa resort ni Gerard Anderson ang aktor at si Julia Barretto

- Magkasama sila sa dalampasigan at naglalakad na magkahawak ang kanilang mga kamay

- Kasalukuyang nasa farm nila sa Zambales din ang ex-gf ni Gerald na si Bea Alonzo

- Matatandaang inamin na ni Gerald ang tungkol sa kanilang relasyon kamakailan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Malaya nang nagpapakita sa publiko ang magkasintahang Julia Barretto at Gerald Anderson. Ito ay matapos aminin ni Gerald ang tungkol sa kanilang relasyon kamakailan.

Namataan na rin silang magkasama sa isang event ng Phiippine Coast Guard nitong Sabado, March 6, 2021.

Julia Barretto at Gerald Anderson, namataang magkasama resort ng aktor
Julia Barretto (Photo from Flickr)
Source: UGC

Nitong araw ay nakita naman ang magkasintahan na naglalakd sa dalampasigan sa resort ni Gerald sa Zambales. Magkahawak kamay sila habang naglalakad.

Ilang beses na ring napapabalitang namamataan si Julia sa nasabing resort ngunit kadalasan sa mga litrato ay kuha mula sa malayo at hindi kita ang mukha.

Read also

Bea Alonzo, na-hot seat sa isang panayam ni Ethel Booba

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang unang lumabas ang balita tungkol sa relasyon nila ni Gerald nang maghiwalay ang aktor at si Bea Alonzo. Gayunpaman, mariing itinanggi noon ni Julia na may relasyon at kaugnayan sila ni Gerald na kanyang nakasama sa isang pelikula.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Samantala, kasalukuyang nasa Zambales din ang aktres na si Bea Alonzo sa kanilang farm kasama ang kanyang pamilya.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Julia Barretto ay anak ng komedyanteng si Dennis Padilla at aktres na si Marjorie Barretto. Nagsimula siya sa showbiz bilang si Anna Calugdan sa fantaseryeng Kokey sa ABS-CBN. Dahil sa galing niya sa pag-arte ay naging bahagi siya ng maraming mga serye at pelikula.

Read also

Toni Fowler, ipinagtanggol ang napapabalitang bagong girlfriend ni Rob Moya

Ilan sa mga ito ay Gulong ng Palad, Walang Kapalit, Palos, And I Love You So, A Love To Last, Para Sa Hopeless Romantic, at Vince and Kath and James.

Sa nakaraang video na kanyang ibinahagi, pinasilip ni Julia ang kanyang koleksiyon ng mga designer bags. Ibinahagi niya rin sa kanyang subscribers ang kanyang walk-in closet.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel