Heto na! Prima Donnas ng Kapuso Network, kumpirmadong may season 2

Heto na! Prima Donnas ng Kapuso Network, kumpirmadong may season 2

- Masayang balita ang ipinabatid ng Kapuso Network sa fans ng afternoon drama nitong Prima Donnas

- Kumpirmadong magkakaroon ng season 2 ang nasabing drama na nagtapos kamakailan lang

- Sa isang video na ibinahagi ng GMA, makikita ang tuwa sa cast nito nang i-anunsiyo ito sa kanila

- Batay sa report, binigyan ng "commendation' ng Chairman at CEO nito na si Atty. Felipe L. Gozon ang Prima Donnas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang masayang balita ang ipinabatid ng Kapuso Network sa fans ng kanilang top-rated afternoon drama na Prima Donnas.

Kumpirmadong magkakaroon ng season 2 ang nasabing drama na nagtapos kamakailan lang.

Sa isang video na ibinahagi ng GMA, makikita ang tuwa sa cast ng Prima Donnas nang sabihin ng program manager ng programa na si Redgynn Alba ang magandang balita.

San Miguel Corp., pababakunahan kontra-COVID ang lahat ng empleyado nila
Heto na! Prima Donnas ng Kapuso Network, kumpirmadong may season 2

Photo: GMA Network (@gmanetwork)
Source: Instagram

Sabi pa sa isang report ng GMA, binigyan ng 'commendation' ng Chairman at CEO nito na si Atty. Felipe L. Gozon ang Prima Donnas.

"It is my great pleasure to commend the creative and production teams and artists of 'Prima Donnas,' the undisputed Top Daytime Program on Philippine television," ayon dito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"The GMA Management recognizes your hard work and passion for excellence, overcoming production difficulties set before you during this time of the pandemic, to ensure that 'Prima Donnas' consistently embodies the Kapuso's mission and commitment of providing only the best entertainment programs for the Filipino views worldwide and across media platforms.
"On behalf of GMA Network, Inc., please accept my heartfelt congratulations to all of you for a job well done and for constantly bringing pride to our company. You are truly our best assets.
Kulitan nina Joshua Garcia at Kim Chiu sa ASAP, kinaaliwan ng netizens
"Mabuhay kayo, mga Kapuso!"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Umere ang Prima Donnas simula August 19, 2019 hanggang February 19, 2021 at nakapagtala ng matataas na ratings.

Isa rin ito sa top 10 most-watched afternoon drama sa bansa.

Sa isa pang report ng KAMI, nagkaroon ng pagkakataon ang mga artista ng programa na magbasa ng mga prediksyon ng mga netizens sa magiging ending ng drama.

Nagpasalamat naman ang isa sa mga lead stars nito na si Aiko Melendez sa pag-aalaga sa kanila ng GMA sa gitna ng pandemic.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Online view pixel