MTB Boys at Direk Bobot Mortiz, muling nagkasama sa kaarawan ni Willie Revillame
- Ibinahagi ni Randy Santiago na muling nagkasama-sama ang MTB Boys sa pagdiriwang ng kaarawan ni Willie Revillame
- Ang samahan nila Randy, John Estrada at Willie ay nabuo sa dating ABS-CBN noontime show na MTB
- Naroon din sa pagdiriwang ang direktor ng noontime show na si Direk Edgar "Bobot" Mortiz
- Muling sinariwa ni Randy ang kanilang mga karanasan noong sila ay nasa MTB pa
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Muling nagkasama-sama sina Willie Revillame, John Estrada at Randy Santiago sa pagdiriwang ng ika-60 kaarawan ni Willie kamakailan.
Ayon kay Randy, matagal na rin silang hindi nagkita-kita ngunit sinisiguro nilang magkasama sila sa mahahalagang okasyon sa buhay nila.
Pagkatagal tagal naming hindi nagkita-kita at sa mga mahahalagang okasyon ay sinisiguro naming magsama-sama. Sa pagkakataong ito ay ipinagdiriwang namin ang ika-60 na kaarawan ng aming kapatid na Willie. Maligayang Bati “Kuya Wil” We Love You.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Kasama din si Direk Edgar "Bubot" Mortiz sa pagdiriwang ng kaarawan ng sikat na TV host. Muling binalikan ni Randy ang mga panahong masaya at malungkot noong magkakasama pa sila.
MTB Boys kasama ang aming mentor, Direk Bobot. Sarap balik-balikan ang aming mga pinagsamahan. Mga panahong tumatawa sa mga nakakatuwang kalokohan sa MTB at umiiyak dahil lagi kaming suspended ng MTRCB. Kuwentuhang walang katapusang tawanan. Happy 60th Birthday kapatid na Willie
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.
Kilala si Willie Revillame bilang isa sa pinakamayayamang artista. Kilala bilang game show host. Ilan sa mga sumikat niyang shows ay Willingly Yours, Masayang Tanghali Bayan, Wowowee, Willing Willie, Wil Time Bigtime , at Wowowillie. Pinasok din niya ang pagrerecord ng mga awitin.
Dahil sa tema ng kanyang mga TV show, naging takbuhan siya ng maraming nangangailangan ng tulong lalo na tungkol sa pinansiyal. Kamakailan, ibinenta niya ang mamahalin niyang sasakyan upang makalikom ng perang ibabahagi niya sa mga taong apektado ng pananalanta ng bagyo.
Nagbigay din siya ng tulong sa Mayor na Marikina at personal niya itong iniabot. Nagpapasalamat umano siya na sa kabila ng mga dumaang kalamidad ay ligtas siya.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh