Gladys Reyes at Christopher Roxas, nagdiwang ng 17 taon bilang mag-asawa

Gladys Reyes at Christopher Roxas, nagdiwang ng 17 taon bilang mag-asawa

- Ipinagdiwang ng mag-asawang Gladys Reyes at Christopher Roxas ang kanilang ika-17 wedding anniversary kamakailan

- Ibinahagi ni Gladys na 28 na taon naman na silang magkarelasyon ng aktor na una niyang nakasama sa teleseryeng Mara Clara

- Bumuhos ang pagbati para sa mag-asawa na kabilang sa mag-aswang hinahangaan sa mundo ng showbiz dahil sa tatag ng kanilang pagmamahalan

- Nabiyayaan sila ng apat na anak sa loob ng 17 taong pagsasama bilang mag-asawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Bumuhos ang pagbati at paghanga sa ika-17 taong anibersaryo ng kasal ng mag-asawang Gladys Reyes at Christopher Roxas.

Sa kanyang pagbati sa Instagram, ibinahagi ni Gladys na 28 taon na silang magkarelasyon ng asawa kabilang na ang taong hindi pa sila kinasal.

17th wedding anniversary, 28 years of togetherness with four beautiful children. These photos pretty much sum up our journey together. You are my forever and you will always be my answered prayer. Happy Anniversary bebe!! We are forever grateful to you dear God!!

Read also

Jennica Garcia, umalma sa mga panghuhusga kay Alwyn Uytingco

Gladys Reyes at Christopher Roxas, nagdiwang ng 17 taon bilang mag-asawa
Photo from Gladys Reyes (@iamgladysreyes)
Source: Instagram

Ang mag-asawang Gladys Reyes at Christopher Roxas ay kabilang sa iilang showbiz couples na hinahangaan dahil sa tatag ng kanilang pagsasama.

Una silang nagkatrabaho sa teleseryeng Mara Clara na umere mula noong August 1992 hanggang February 1997.

Ikinasal sila noong January 23, 2004, hanggang sa nabiyayaan sila ng apat na anak sa kasalukuyan.

Matatandaang muling ikinasal ang dalawa sa kanilang ika-25 taong magkasama, 11 bilang magkasintahan at 14 bilang mag-asawa noong taong 2018.

Ang kanilang renewal of vows ay ginanap sa Fernwood Gardens sa Tagaytay, na dinaluhan ng kanilang malalapit na kaibigan at pamilya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, sa isang guesting sa Magandang Buhay noong October 2017, sinabi ng mag-asawa na prayer, patience, at partnership ang kanilang sekreto sa kanilang matatag na pagsasama.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Read also

Fan ni Rabiya Mateo, nagwala matapos i-anunsiyo ang mga nakapasok sa Top 10

Si Gladys ay sumikat dahil sa kanyang epektibong pagganap sa mga kontrabida roles. Isa siya sa pinakatinitingalang pinakamahusay na kontrabida sa mundo ng showbiz sa Pinas.

Ang kanyang pagganap bilang si Clara sa teleseryeng Mara Clara ang naging daan sa kanyang pagsikat sa pag-arte. Gumanap siya bilang kontrabida sa nasabing serye na pinagbidahan ni Judy Ann Santos na umere sa ABS-CBN.

Kinalaunan, lumipat siya sa GMA-7 kung saan nabigyan naman siya ng iba't-ibang oportunidad at TV shows. Kamakailan, ipinagtanggol ni Gladys ang asawang si Christopher matapos mabatikos kaugnay sa isyu ng pagsasara ng ABS-CBN.

Nagpaliwanag din ang aktres matapos umani ng mga reaksiyon mula sa mga netizens ang isang video ng kanyang bunsong anak.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel