Erich Gonzales, ipinakita ang kanyang ani mula sa kanyang mga tanim

Erich Gonzales, ipinakita ang kanyang ani mula sa kanyang mga tanim

- Marami ang naaliw sa isang vlog ni Erich Gonzalez kung saan siya mismo ang umani sa kanyang mga pananim

- Tila sanay na sanay itong humawak sa bolo na kanyang ginamit upang putulin ang ilang sanga ng kanyang tanim na malunggay

- Kahit noong bata pa umano siya ay mahilig na talaga siyang umakyat sa mga punong kahoy sa kanilang probinsiya

- Pinutulan niya rin ang kanyang kalamansi dahil na rin sa iminungkahi sa kanya para maging mababa lang ang tubo nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pinatunayan ni Erich Gonzales na kahit hindi siya malaking babae ay kayang-kaya niyang gawin ang ilang mga gawain sa kanyang bahay kagaya na lamang ng pag-ani niya sa kanyang mga pananim.

Ayon kay Erich, kakauwi lang niya sa bahay niya pagkatapos niyang mamalagi sa isang lock-in taping.

Napagpasyahan niyang mag-harvest ng tanim niya kagaya ng kalamansi, malunggay at saging na saba.

Read also

Heart Evangelista at Chiz Escudero, muling kinaaliwan sa kanilang Adulting vlog

Erich Gonzales, ipinakita ang kanyang ani mula sa kanyang mga tanim
Photo from Erich Gonzales (@erichgg)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Pinutulan niya rin ang sanga ng kalamansi at malunggay. Marami ang naaliw sa kanya habang nagpuputol ng sanga na tila sanay sa ganoong gawain.

Kwento pa ni Erich, mahilig talaga siyang umakyat sa mga punongkahoy kahit noong bata pa lang siya.

Narito naman ang mga reaksiyon ng mga netizens sa kanyangvideo na ito.

Youre very simple and true to yourself. Covid taught us this, to appreciate everything even th little blessings God gave us. You are living a simple and meaningful life.
I came to admire your humility. Noon, nakikita Lang kita sa TV at social media na wala lang pero ngayon, I'm one of your fans na. God bless you Ms. Erich.
Eto tlaga ang artistang walang ka arte-arte.. Probinsyanang probinsyana.. Kahit walang kolorete sa mukha, kitang-kita ang taglay na kagandahan.

Read also

Kaibigan ni Toni Fowler, napaiyak dahil sa pinagdadaanan ng kaibigan

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Huling napanood si Erich sa teleseryeng The Blood Sisters noong taong 2018. Isa siya sa unang napisil na maging kontrabida sa Love Thy Woman kasama si Kim Chiu at Xian Lim ngunit umatras siya at pinalitan ni Yam Concepcion.

Kamakailan ay hindi napigilan ni Erich na maiyak habang kausap ang kanyang pamilya. Marami din ang humanga sa kanya nang ibahagi niya ang kanyang simpleng pamumuhay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel