Scarlet Snow Belo, kinagiliwan dahil sa naisip na pangalan sa kanilang adopted rhino

Scarlet Snow Belo, kinagiliwan dahil sa naisip na pangalan sa kanilang adopted rhino

- Kinagiliwan ng mga netizens si Scarlett Snow Belo na nagbahagi ng kanyang karanasan habang nasa bakasyon sa Kenya

- Ibinahagi niya ang naisip niyang pangalan para sa isang rhinoceros na ia-adopt nila para matulungan sa pangangailangan nito

- Pinangalanan niyang “Plasty the Belo Rhino" ang nasabing rhino na wala nang magulang

- Marami ang nakapansin sa pinangalang Plasty na iniugnay ng mga netizens sa rhinoplasty na isa sa mga procedures na ginagawa sa sikat na beauty clinic na pag-mamay-ari nila

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kanyang bakasyon kasama ang kanyang mga magulang, hindi natigil sa pagbibigay ng aliw at kasiyahan ang bibong anak nina Dr. Vicki Belo at Hayden Kho.

Pagbabahagi ni Scarlet, pumayag ang mga magulang niya na mag-adopt sila ng isang baby rhino na ulila na sa magulang dahil sa pangangaso.

Read also

Andi Eigenmann, ibinahagi ang litrato ng kanyang siyam na buwang baby bump

Scarlet Snow Belo, kinagiliwan dahil sa naisip na pangalan sa kanilang adopted rhino
Photo from Scarlet Snow Belo (@scarletsnowbelo)
Source: Instagram

Ang kanilang ibibigay na pera ay para umano mabigyan ng pangangailangan ang rhino na kanyang pinangalanang “Plasty the Belo Rhino."

He’s a baby cousin of the 4yo rhino you see here. He needs our love and protection because poachers killed his parents to get their horns. So, Daddy and Mommy agreed that our family will adopt him. I get to name him and I’m thinking of calling him, “Plasty the Belo Rhino.” The money will make sure he has veterinarians and rhino rangers from @lewa_wildlife who will make sure Plasty is safe and healthy.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marami naman ang nakapansin sa napiling pangalan ni Scarlet na iniugnay ng mga netizens sa rhinoplasty na isang procedure na ginagawa sa sikat na beauty clinic na pag-mamay-ari ng kanyang magulang.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

Read also

Matteo Guidicelli, ibinahaging goal niya maging best husband ngayong 2021

Haha so cute! Rhino"plasty" very clever!
Katalinong bata,hmmm gstu kitang yakapin at i-kissss Scarlet
You have such a kind heart for a young age, Scarlet. May God bless you always

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si Scarlet Snow Belo ay anak ng celebrity doctors at television personalities na sina Vicki Belo and Hayden Kho Jr.

Kamakailan ay nagbigay ng kanyang pananaw si Lolit Solis kung gaano kaswerte si Scarlet Snow Belo dahil sa kanyang nararanasan sa pagkakaroon ng magulang na may kakayahang maibigay sa kanya ang karanasang hindi napagdadaanan ng lahat ng mga bata. Kasalukuyang nasa Africa ang buong mag-anak para sa isang bakasyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel