Scarlet Belo, nakapunta na sa 20 na bansa sa edad niyang 7 taong gulang

Scarlet Belo, nakapunta na sa 20 na bansa sa edad niyang 7 taong gulang

- Naibahagi ni Scarlet Snow Belo ang picture nila ng kanyang Yaya Anita

- Makikita sa picture na karga siya ng kanyang Yaya Anita at kuha umano ito sa Niseko, Japan

- Ayon pa sa caption na binahagi sa Instagram post ni Scarlet, ito umano ang ika-20 na bansang napuntahan nila ni Yaya Anita

- Labing-isang taon nang naninilbihan si Yaya Anita sa pamilya nina Dra. Vicki Belo

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa IG post ni Scarlet Snow Belo, naibahagi niya ang picture nila ng kanyang Yaya Anita na kuha sa Niseko, Japan. Ito umano ang ika-20 na bansang napuntahan nila ni Yaya Anita.

Scarlet Belo, nakapunta na sa 20 na bansa sa edad niyang 7 taong gulang
Scarlet Belo, nakapunta na sa 20 na bansa sa edad niyang 7 taong gulang (@scarletsnowbelo)
Source: Instagram

Makikita sa picture na karga siya ng kanyang Yaya Anita. Palagi nilang nakakasama ang kanyang Yaya Anita sa kanilang mga biyahe sa ibang bansa. Labing-isang taon nang naninilbihan si Yaya Anita sa pamilya nina Dra. Vicki Belo.

Read also

Angel Locsin, binahagi ang tunay na diwa ng Pasko para sa kanya

Marami naman ang natuwa para kay Yaya Anita.

Ang sarap maging Boss/Employer ni Dra. Vicki Belo. Napakabait nya kaya naman pantay lang at mga mababait din nakukuha nya na trusted household staff.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Scarlet is very respectful and she loves her yaya very much.Dr. Vicki is such a good employer. She treats her helpers as part of their family
Super bait talaga po ninyo Belo family, napalaki si Scarlet na mabuti bata at may pagpapahalaga sa kapwa. Super love nya si Yaya Anita talaga.

Si Scarlet Snow Belo ay anak ng celebrity doctors at television personalities na sina Vicki Belo and Hayden Kho Jr.

Matatandaang nagbigay ng kanyang pananaw si Lolit Solis kung gaano kaswerte si Scarlet Snow Belo dahil sa kanyang nararanasan sa pagkakaroon ng magulang na may kakayahang maibigay sa kanya ang karanasang hindi napagdadaanan ng lahat ng mga bata.

Read also

Andrew Schimmer, labis na naghihinagpis at nagungulila sa kanyang asawa

Sinorpresa nina Dra. Vicki Belo at Scarlet Belo ang pinakamamahal nilang si Yaya Anita. Ito ay sa pagdiriwang ng kaarawan ni Yaya Anita na matagal na ring nagtatrabaho bilang tagaalaga kay Scarlet. Nakakasama nila ito maging sa kanilang pagpunta sa ibang bansa at ayon pa kay Dra. Belo ay hindi kailanman nagbago o yumabang si Yaya Anita. Isang bagong laptop naman ang regalo nila para sa kanya sa kaarawan nito dahil aniya ay pinag-iipunan niya ito para mabili niya para sa anak niya.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel