Cesar Montano, inamin ang pagkakaroon ng anak kay Sandra Seifert

Cesar Montano, inamin ang pagkakaroon ng anak kay Sandra Seifert

- Inamin ni Cesar Montano ang pagkakaroon nila ng anak ni Miss Philippines Earth 2009 Sandra Seifert

- Ito ay matapos silang maging usap-usapan kasunod ng pagbahagi ni Sandra ng litrato nilang mag-ama

- Sa isang ulat ng malapit na kaibigan ni Cesar na si Dolly Anne Carvajal, binigyan niya ito ng pahintulot na ibahagi ang katotohanan

- Maging si Sandra ay nagbigay din ng pahintulot na ilabas ng kolumnista ang tungkol sa anak nila ng aktor

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kauna-unahang pagkakataon ay kinumpirma ng aktor na si Cesar Montano ang tungkol sa pagkakaroon nila ng anak ni Miss Philippines Earth 2009 Sandra Seifert sa pamamagitan ng malapit na kaibigan ng aktor na si Dolly Anne Carvajal.

Cesar Montano, inamin ang pagkakaroon ng anak kay Sandra Seifert
Photo from Sandra Seifert (@sandraseifert)
Source: Instagram

Sa isang ulat ng kolumnista na nakalathala sa Inquirer.net ngayong November 28, 2020, ibinahagi nito na hiningi niya ang pahintulot nina Cesar at Sandra kung maaari niyang ilatha ang tungkol sa kanilang anak matapos ibahagi ng dating beauty queen ang litrato ng mag-ama sa kanyang social media account.

Read also

Elha Nympha at Brian Gazmen, hiwalay na

“Yes, maybe you could ask your BFF muna if he gives you answers. It could be a good opportunity for you to get his insights directly, which are more rare for the press." Ito umano ang naging tugon ni Sandra sa tanong ni Dolly Anne.

Kagaya ng naging tugon ni Sandra, nais din muna tanungin ni Cesar kung papayag ang dating beauty queen.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news

Sa isang ulat ng ABS-CBN News, matatandaang inamin ni Sandra ang pagiging single mother nitong July ng kasalukuyang taon ngunit hindi nito binanggit ang tungkol sa pagkakakilanlan ng ama ng kanyang anak.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Naiulat din ng Inquirer.net na kasunod ng kanyang pagbahagi ng litrato ni Cesar at ng anak, nilinaw niyang hindi siya ang babaeng nag-viral na lumabas sa isang video ng birthday greeting ng aktor.

Read also

April Boy Regino, nag-iwan ng madamdaming mensahe para sa anak

Si Sandra Inez Seifert ay isang dating beauty queen at isang international fashion model. Kinoronahan siya bilang Miss Philippines Earth 2009 sa San Juan City, Philippines.

Matatandaang naging usap-usapan ang dating beauty queen matapos niyang ibahagi ang litarto ng anak kasama si Cesar Montano.

Umani ng samu't-saring reaksiyon mula sa netizens ang nasabing post. Kasunod nito isang emosyonal na mensahe ang ibinahagi ni Sandra.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel